Paliwanag Kung Ano Ang Pang-Ukol & Mga Halimbawa ng Bahagi ng Pananalita na Ito
PANG-UKOL – Narito ang isang pagtalakay kung ano ang bahagi ng pananalita na ito at sa mga halimbawa nito.
Isa sa mga asignaturang bahagi ng kurikulum simula kinder hanggang kolehiyo ay ang Filipino. Mahalaga talaga na tayo ay bihasa sa ating sariling wika bago pa man tayo maging magaling sa ibang wika.
Pagdating sa Filipino bilang asignatura, isa sa mga topiko na itinatalakay sa elementary ay ang mga bahagi ng pananalita. Mayroong walong(8) bahagi ng pananalita.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang tungkol sa pang-ukol. Magbibigay rin tayo ng mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito.
Ano ang Pang-ukol?
Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring magturo ng lugar o layon.
Mga Halimbawa ng Pang-Ukol
Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na kadalasan ay ginagamit sa pangungusap ay ang ng, sa, ni o nina, para sa, at ayon sa. Narito ang gamit ng bawat isa at mga halimbawa:
Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi.
- Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata pa lamang siya.
Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.
- Kamay sa baywang na humarap ang ina ng batang nagsumbong ng pamamalo mula sa guro.
Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.
- Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan.
Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.
- Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.
Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.
- Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik noong tanghali.