Kahulugan Kung Ano Ang Pabula & Mga Halimbawa Nito
PABULA – Narito ang kahulugan kung ano ito at ang mga halimbawa nito.
Maraming bagay ang magagawa upang maturuan ang mga bata ng mga magandang aral. Isa na rito ay ang pagkukwento sa kanila gamit ang mga istoryang mapupulutan ng mga mabuting pag-uugali.
Sa pamamagitan ng pagkukwento, ang mga bata ay natuturuan ng magandang aral at naaaliw pa sila. Dahil dito, mas madali nilang matutunan ang mga bagay na dapat nilang sundin o gawin.
Isa sa mga uri ng kwentong kadalasang ginagamit ng mga magulang sa pagtuturo sa mga bata ay ang “pabula”. Sa artikulong ito, ating tatalakayin kung ano ito at ang mga halimbawa nito.
Ano ang pabula?
Ito ay tumutukoy sa mga kwento kung saan ang mga tauhan ay mga hayop o mga bagay na walang-buhay. Sa mga kwentong ito, nakakapagsalita ang mga baboy, kambing, mesa, kutsara, at iba pa.
Ang layunin ng mga kwentong ito ay magbigay na mga moral na aral sa mga mambabasa lalong-lalo na sa mga maliliit na bata. Sa Ingles, ito ay “fables”. Sa Filipino, tinatawag rin itong “Kathang kuwentong nagbibigay-aral”.
Halimbawa:
Ang Pamilya ng Langgam
Ilang araw na lang ay simula na ng tag-ulan kung kaya’t ang pamilya ng langgam ay araw-araw nang naghahakot ng mga pagkain. Pag simula ng tag-ulan, hindi na naman sila makakalabas sa lungga nila sapagkat delikado.
Pinaalalahan ni Tatay langgam ang lahat ng anak niya na sumunod sa linyang dinadaanan nila sa paghahakot. Sinabihan niya ang mga batang langgam na mag-ingat dahil may kanal sa dulo.
Subalit, hindi lahat ng mga batang langgam ay sumunod. Yung pangalawa sa magkakapatid ay nagpasyang maglaro malapit sa kanal. Hindi niya nakita ang malakas na pag-agos ng tubig at nahulog siya doon.
Simula noon, hindi na muling nakita ang batang langgam na naanod ng tubig.
Para sa isa pang halimbawa, basahin – HALIMBAWA NG PABULA – Ang Kwento ng Tipaklong at ng Langgam.