Kilalanin Ang Tatlong(3) Layunin ng Alamat
LAYUNIN NG ALAMAT – Narito ang tatlong(3) layon ng alamat at pagtalakay sa bawat layon.
Isa sa mga kwentong bayan na itinatalakay sa ilalim ng asignaturang Filipino ay ang alamat. Ito ay mga kwentong nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang mga bagay-bagay.
Ang alamat ay maaring hindi totoo. Minsan, ang mga pangyayari sa kwento ay mahirap paniwalaan at maaaring gawa-gawa lamang at nagpasalin-salin sa bawat henerasyon.
Ngunit, ano nga ba ang layunin ng alamat?
Narito ang tatlong(3) layunin ng mga kwento tungkol sa sa pinanggalingan ng mga bagay-bagay. Ating bibigyan ng maikling pagpapaliwanag ang bawat layon.
1. Magpaliwanag
Ang pinaka-pangunahing layon ng alamat ay ang magpaliwanag sa pinagmulan ng isang bagay.
2. Magbigay Libangan
Isa pang layon ng alamat ay ang magbigay libangan sa mga tao. Isa ito sa mga kwentong kadalasang napag-uusapan ng may pagkamangha. Isa rin ito sa mga kwentong ginagamit ng mga magulang pang-aliw sa mga bata.
3. Magbigay Aral o Leksyon
Layon rin ng alamat na magturo ng mabuting aral lalong-lalo na sa mga bata. Katulad na lamang ng alamat ng pinya kung saan puro bunganga lang ang ginagamit sa paghahanap ng isang bagay kung kaya’t naging pinya siya – maraming mata.
Kung nais mo ng halimbawa ng isang alamat, pwede mong bisitahin ang pahina na ito – ALAMAT NG ROSAS: Ang Kwento Tungkol Sa Pinanggalingan ng Rosas.