PANG-ANGKOP – Ang Kahulugan At Ang Mga Halimbawa Nito
PANG-ANGKOP – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang pang-angkop na isang bahagi ng pananalita, ang kahulugan nito at ang mga halimbawa.
Kahulugan
Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang pangungusap para magiging magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.
Mayroong tatlong pang-angkop: na, ng o -ng at g.
1. NA
Ito ay nagdudugtong ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang nauunang salita maliban sa letrang n. Para sulatin ito, sapat ihiwalay ito sa salitang pinag-uugnay
Halimbawa:
- Ang banal na kaulatan
- Ang malinis na hangin
- Ang matalim na espada
- Ang maitim na dyaket
- Ang sikat na artista
- Ang kristal na baso
- Ang makinis na mukha ni Loisa
- Ang mahusay na manunulat
- Ang matigas na bato
- Ang matinik na cactus
2.1. NG
Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u.
Halimbawa:
- Ang masaganang halaman
- Ang malaking mga ugat ng puno
- Ang basang mga nilabadang damit
- Ang kotseng pula
- Ang berdeng sapatos
- Ang dalawang mata
- Ang mabagyong panahon
- Ang maruming damit
- Ang buong istorya ni Jonathan.
- Ang salaring tulisan
2.2. -NG
Ito naman ay ginagamit para dugtungan ang magkakasunod na salita na kung saan nagtatapos sa katinig na n ngunit kinakaltas na ito kaya hindi ang pang-angkop na g ang ginagamit.
Halimbawa:
- luntian ng halaman – luntiang halaman
- usapan ng inutil – usapang inutil
- malinis na kasuotan – kasuotang malinis
3. G
Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n dinurogtungan
Halimbawa:
- Kainang nasa kalye
- Tulisang kriminal
- Pikong mapang-api