ISYUNG PANLIPUNAN – Mga Problema Sa Lipunan

ISYUNG PANLIPUNAN – Mga Problema Sa Lipunan

ISYUNG PANLIPUNAN – Sa paksang ito, malalaman natin ang iba’t ibang klase ng mga isyung panlipunan at ang mga sanhi nito.

ISYUNG PANLIPUNAN

Ito ang mga problema na nangyayari ngayon sa mga lipunan o kung minsan, sa isang nasyon. Narito ang mga iba’t ibang klase nito:

Mga Isyung Panlipunan

1. Pagsasapin-sapin sa Lipunan

Ito ay isang uri nga pagkakaiba sa lipunan na kung saan ang mga tao sa lipunan ay pinagtangi na ukol sa kanilang kaayuan sa buhay na base sa kanilang kita, kayamanan, katayuan sa lipunan, at kung minsan, sa kailang kapangyarihan, panlipunan man o politikal. Ito ay nagbubunga ng tinatawag ng kapootan sa lahi o sa kapwa tao.

2. Isyung Ekonomiko

Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng trabaho ng mga tao na depende sa lugar, kasarian, edukasyon, at kadalasan sa mga grupong etniko.

3. Problemang Pangkapitbahayan

Ito naman ang isyu na nangyayari sa mga kapitbahayan. Ang mga ganitong communidad ay kadalasang may mataas na dropout rate sa hayskul, at ang mga bata na lumalaki sa mga ganitong communidad ay kadalasang may mababa sa walang pagkakataon na mag-aral sa kolehiyo.

4. Kalusugang Pampubliko

Ang mababa na kalusugang pampubliko ay bunga nga mga tinatawag na pandemic o epidemic o ang pagkalat nga mga sakit sa rehiyon o sa malaking pangkat ng tao.

5. Diskriminasyon sa Edad

Nang minsan, may mga problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa edad ng isang tao.

6. Hindi Pagkapantay-pantay sa Lipunan

Ito naman ang bunga ng maraming problemang panlipunan na kung saan pinagbabasehan ang kasarian, kapansanan, lahi, at edad na nag aapekto sa pagtatrato ng isang tao.

7. Edukastyon at Paaralang Pampubliko.

Ang edukasyon ay ang isa sa mga pinakamahalagang dahilan sa pag-asenso at pag-unlad ng lipunan. Kapag kulang ito, ito ay buhat ng hindi pagkaroon ng sakktong pondo sa mga paaralang pampubliko.

8. Problemang Pantrabaho

Kabilang dito ang stress, pagnanakaw, paggugulo sa kapwa tao, hindi pantay ang sahod, papoot ng ibang lahi, at iba pa.

9. Aborsyon

Ito ang pagbatay sa sanggol habang nasa loob ng tiyan ng ina. Isa rin ito sa mga pinakakontrobersyal na isyu na napaligiran sa aspetong moral, legal at katayuang panrelihiyon.

BASAHIN DIN – TALATA – Ang Kahulugan, Mga Uri, At Mga Halimbawa

Leave a Comment