Ekonomiks – Kahulugang Heneral At Ayon Sa Mga Kilalang Tao
EKONOMIKS – Sa paksang ito, alamin natin ang heneral na kahulucan ng ekonomiks at ayon sa mga iba’t ibang sikat na tao sa kasaysayan nito.
Kahulugan
Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham-panilpunan na ukol sa pagsusuri kung papaano ng isang lipunan na ipamahagi ang kanyang pinagkukunang yaman sa iba’t ibang gawain ng tao upang mabigyan ang kanyang mga pangangailangan.
Ito ay galing sa dalawang pinagdugtunang mga salitang Griyego na oikos ( οἶκος ) na nangahulugang “kabahayan” at nemo ( νέμω ) na nangahulugang pangangasiwa o pamamahala, samakatuwid, ang salitang Griyego na oikonomia ( οἰκονόμος ) na nangahulugang pangangasiwa o pamamahala ng kabahayan.
Ang araling ito ay may dalawang sangay:
- Maykroekonomiks – Ito ay tumutugon sa pag-aaral ng maliliit na yunit o mga negosyo ng isang lipunan; at
- Makroekonomiks – Ito naman ay nagbibigay pansin sa mga suliranin ng buong bansa o nasyon. Halimbawa nito ang pagtataas ng mga bilihin at pagkawala ng pambansang kita.
Ayon Sa Mga Iba’t Ibang Mga Tao Sa Ekonomiya
- Paul Samuelston – Ayon sa kanya, ito ay isang pag-aaral na kung saan malalaman kung paano makapamili ang tao, kahit mayroong salapi man o wala.
- Lloyd Reynolds – Para sa kanya, ito ay isang pag-aaral na may kaugnayan sa produksyon, konsumpsyon, pamamahagi ng mga produkto at serbisyo ng tao.
- Thomas Hailstones – Ito ay may kinalaman sa pamamahagi ng mga hilaw na sangkap, ayon sa kanya.
- Roger Lerry Miller – Sa kanya, ito aya ang pag-aaral ng wastong pagpapasya na kung paano, kailan, at ang bakit ng paggamit ng pinagkukunang yaman.
- Clifford James – Siya naman ay nagsasabi na ito ay ukol sa kabuuang kaalaman ng tao na bunga ng kanyang pakikipag-ugnayan
- Gerardo Sicat – Ayon sa kanya, ito ay ukol sa pangangailangan at kung papaano gumagawa ng desisyon ang karaniwang tao sa lipunan
- Bernardo Villegas– Ito, ayon sa kanya, ay tumatalakay sa produksyon, pagkonsuma at pamamahagi ng likas na yaman at yamang tao.
BASAHIN DIN: SANAYSAY – Kahulugan, Mga Uri At Mga Bahagi Nito