ALAMAT NG ROSAS: Ang Kwento Tungkol Sa Pinanggalingan ng Rosas

Narito Ang Alamat ng Rosas o Kwento Kung Saan Nanggaling ang Bulaklak

ALAMAT NG ROSAS – Narito ang kwento tungkol sa pinanggalingan raw ng bulaklak na rosas.

Isa sa mga bulaklak na paborito ng maraming tao lalong-lalo na ng mga babae ay ang rosas. Kadalasan, ito ay kulay pula pero mayroon ring rosas na kulay puti, dilaw, at iba pang kulay.

Sa gitna ng mga pagpupuri sa rosas, may mga kwento kung saan nanggaling ang magandang bulaklak na ito. Narito ang isa sa mga alamat ng rosas.

ALAMAT NG ROSAS

Noon, may isang magandang dalaga na nag-ngangalang Rosa. Siya ay mula sa malayong bayan sa Tarlac. Kilala sa lugar ang kagandahan ng dalaga at ang nais nito na mapatunayan ang tunay na pag-ibig.

May nakilalang binata si Rosa. Siya ay si Mario. Nagkagusto sila sa isa’t isa at lumalim ang kanilang pagtitinginan. Mahal na mahal ng magkasintahan ang isa’t isa kaya’t nagpasya silang mag-isang dibdib.

Subalit, bago pa mangyari ang kasal nina Rosa at Mario, natuklasan na may malubhang sakit ang binata at mamamatay ito. Gayun pa man, handa pa rin si Rosang pakasalan si Mario at patunayan ang pag-ibig niya sa binata.

Hindi pumayag si Mario na ituloy ang kasal. Para sa kanya, sapat na ang pag-ibig ni Rosa sa kanya na baunin sa kabilang buhay.

Wala mang kasalang naganap, patuloy na ipinatunayan nina Rosa at Mario ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Inalagaan ng dalaga ang binata at ang mga ngiti nito ang bumubuo sa bawat natitira niyang araw.

Dumating ang araw na pumanaw na si Mario. Sa kabila ng pagkawala ng kanyang minamahal, hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Rosa hanggang sa tinanong siya tungkol rito.

Ayon sa dalaga, ang mga ngiti niya ay dulot ng mapayapang kaisipan na kahit nasaan man si Mario ay siya lang ang mamahalin nito. Alam rin niyang hinihintay siya ng binata sa kabilang buhay.

Araw-araw ay dumadalaw si Rosa sa puntod ni Mario baun-baon ang mga ngiti sa labi niya. Bago dumating ang araw na siya ay pumanaw rin, hiniling niya na sa tabi ng puntod ng binata siya ililibing.

Nasunod ang kahilingan ni Rosa. Isang halaman ang tumubo sa lupa kung saan inilibing ang dalaga. Nagbunga ito ng magagandang bulaklak na tinawag na Rosas.

BASAHIN RIN: Maikling Kwento – 5 Halimbawa Ng Maikling Kwento Para Sa Mga Bata

Leave a Comment