5 Halimbawa ng Maikling Kwento Na May Aral
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO – Narito ang limang (5) halimbawa ng maikling kwento na mapupulutan ng magandang aral.
1. Si Baste At Ang Aso Niyang Si Pancho
Lumaki si Baste sa puder ng kanyang tito. Wala na siyang mga magulang at wala ring kapatid. Tanging ang aso niyang si Pancho ang itinuturing niyang kapatid. Sabay silang lumaki at palagi silang magkasama.
Subalit, noong nasa kolehiyo na si Baste ay maraming nagbago. Hanggang sa isang araw ay biglang nawala si Pancho at hindi niya mahanap ito.
BASAHIN ANG BUONG MAIKLING KWENTO: Si Baste At Ang Aso Niyang Si Pancho
2. Ang “Aswang” Sa Baryo Dekada Sitenta
Usap-usapan na sa Baryo Dekada Sitenta na “aswang” raw ang matandang si Mang Boy. Hindi mabuti ang pakikitungo ng mga taga baryo sa matanda. Tanging ang pamilyang nakatira sa kabilang bahay ang hindi nanghuhusga sa matanda.
Isang araw, may pinlanong masama ang mga taga baryo laban sa matanda. Nais nilang lumabas talaga ang tunay na kulay nito.
BASAHIN ANG BUONG MAIKLING KWENTO: Ang “Aswang” Sa Baryo Dekada Sitenta
3. Si Julio At Ang Sapatero Sa Kanto
Lumaki si Julio na hindi kilala ang ama niya. Hindi rin nila napag-uusapan sa kanilang bahay ang tungkol doon. Masaya na siya sa buhay kasama ang ina niyang si Nena at kuya niyang si Dante.
Subalit, sa di inaasahang pagkakataon, isang araw, bumalik ang ama ni Julio. Matatanggap kaya siya ng bata?
BASAHIN ANG BUONG MAIKLING KWENTO: Si Julio At Ang Sapatero Sa Kanto
4. Ang Lumang Tren Sa Purok Mahinahon
May tren na na-aksidente sa Purok Mahinahon. Isa sa mga namatay ay ang kapitan ng purok. Subalit, lumipas ang mga taon na hindi nalilinawan kung ano talaga ang nangyari. Maraming imbestigasyon na ang naisagawa pero hindi naibigay ang hustisya.
Isang araw, mismong ang batang si Camilo na taga Purok Mahinahon ang nakarinig ng totoong nangyari sa lumang tren. Dahil doon, kailangan niyang mamili sa pagitan ng mga magulang niya at sa paggawa ng tama.
BASAHIN ANG BUONG MAIKLING KWENTO: Ang Lumang Tren Sa Purok Mahinahon
5. Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
Talagang mapagbigay si Stella lalong-lalo na sa mga bata sa ampunan. Mayaman ang pamilya niya pero kahit minsan ay ‘di niya inuna ang mamasyal kaysa puntahan ang mga bata sa Marga Hera.
Totoong anak nina Don Manuel at Señora Faustina si Stella kaya kahit ang mga kaibigan niya ay nagtataka sa kabutihan niya sa mga bata sa ampunan. Isang araw, sinabi ng dalaga ang totoong rason kung bakit napamahal sa kanya ang mga bata.
BASAHIN ANG BUONG MAIKLING KWENTO: Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko