Angry Private School Owner Burned The Belongings Of Some Students

Angry Private School Owner Burned The Belongings Of Some Students In Camarines Sur

An angry private school owner has ordered a male staff to burn the bags and belongings of some students

On Friday (August 17, 2018), the bags and valuables of some senior high students at Bicol Central Academy in Libmanan, Camarines Sur turns to ashes after burned by their school administration.

A Facebook user named Jonathan Vega Magistrado has uploaded the photos and video footage how the raging school administrator cursed the students and even burned their belongings.

Angry Private School Owner
Photo Courtesy of Jonathan Magistrado

The school administrator has been identified as Former Municipal Councilor and incumbent Provincial Board Member Alexander James Jaucian

According to the students, Jaucian was disappointed after he was them carrying backpacks inside the classroom as their waiting area while wearing a formal attire.

The raging school owner previously ordered that students should only bring hand carry bags and not backpacks since they were assigned to teach grade school students.

Photo Courtesy of Jonathan Magistrado

The situation gets worse after the school owner encountered a student only wearing jeans, rubber shoes, and shirt.

Aside from notebooks and school uniforms, the students also lose valuables including ATM card, cash, cellphones, and laptops.

You can also read Private School In Viral Bag Burning Video May Lose Operating Permit

Here’s the full post:

“MAY-ARI NG PRIVATE SCHOOL SA CAMARINES SUR NA UMINIT ANG ULO, IPINASUNOG ANG MGA GAMIT NG MGA ESTUDYANTE, PINAGMUMURA PA

LIBMANAN, CAMARINES SUR, Aug. 17, 2018| Naabo ang mga gamit ng ilang senior high school students ng Bicol Central Academy sa Libmanan, Camarines Sur.

Ito ay matapos ipasunog ng school administrator na si Former Municipal Councilor at incumbent Provincial Board Member Alexander James Jaucian sa isang male staff ng paaralan kaninang umaga.

Ayon sa mga estudyante na noo’y pansamantalang humalili sa kanilang mga guro na nasa DepEd seminar sa loob ng isa pang gusali ng paaralan, ikinagalit umano nito na makita sila na nasa mga classroom na itinalagang ‘waiting area’ na may dalang mga bag, sa kabila ng pagbilin na huwag na muna magbitbit nito ngayong araw dahil magtuturo muna sa mga grade school student.

“Pwede naman daw magdala ng maliit na bag pero yung maliit lang na pwede lagyan halimbawa ng cellphone hindi backpack kasi pangit daw tingnan na magtuturo na naka-business attire tapos may dalang backpack.” Sabi ng isa sa mga estudyante.

Dagdag niya, lalo pa umanong ikinainit ng ulo nito ang nadatnan na marumi at magulong silid-aralan.

“May nakasalubong siyang isang estudyanteng lalaki na hindi nakasuot ng napag-usapan na formal at business attire, ang suot niya lang ay maong na pantalon tapos rubber shoes tapos t-shirt isa pa yun sa nagpa-init ng ulo niya,” aniya.

Paglilinaw ng ilang estudyante, may permiso naman ang di niya pagsuot ng business attire dahil naka-assign naman siya sa ‘maintenance’ nung araw na iyon.

Maliban sa mga kwaderno at school uniforms ng mga estudyante, nasunog din ang ilang mahahalagang gamit ng mga estudyante tulad ng laptop, cellphone, pera at ATM Card.

“Parang mahigit dalawampu yung nasunugan ng gamit kasi nung ipunin yung mga sunog na gamit nasa tatlong sako yung pinaglagyan.”

Nabidyuhan naman ng isa sa mga estudyante ang pangsesermon at pambubulyaw ng school administrator dahil umano sa matinding ‘disappointment’ sa kanila.

Tinawag pa nitong ‘istupido’ ang mga bata matapos malaman na may electronic gadgets na nakasamang nasunog.

Agad nitong ipinaapula ang apoy pero pumalya ang fire extinguisher ng paaralan kaya binuhusan na lang ng ilang balde ng tubig.

“Nung malaki na yung apoy, may isang sumabog di namin alam kung cellphone o laptop tapos sabi niya, wag kayong gumalaw ginusto niyo yan. Welcome to BCA (Bicol Central Academy).”

Masama ang loob ng mga estudyante sa kanilang school administrator dahil maliban sa nasayang nilang gamit, pinagmumura pa sila nito.

“Ang masakit na part doon, pinagmumura niya kami. —– daw kami, punyeta.”

Dagdag ng mga bata, hindi ito ang unang insidente na ibinaling ng may-ari ng eskwelahan ang init ng ulo sa kanila.

Ilang magulang ngayon ang nag-iisip na ilipat na lang ng ibang paaralan ang anak dahil sa umano’y trauma bunsod ng mga ito.

Wala pang naghahain ng pormal na reklamo laban sa school administrator pero nais nilang ma-imbestigahan ito ng DepEd Division of Camarines Sur

Wala pang pahayag ukol sa insidente ang pamunuan ng paaralan.”

What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.

 

Leave a Comment