Netizen’s open letter to Empoy Marquez went viral.
“Kita Kita” star Empoy Marquez received an open letter from a certain Jerome Papa Lucas and unexpectedly went viral over the social media.
Accidental love team “AlEmpoy” is what had been tagged to the team up of famous comedian Empoy Marquez and the award winning actress Alessandra de Rossi.
It is because of their movie “Kita Kita” which became a hit to the public.
They surprisingly have this undeniable chemistry to which people got hooked and also a lot of positive reviews about the movie had been made.
The story goes around a not so good looking boy and a blind girl who both eventually fell in love with each other.
And because of the film, a certain Jerome Papa Lucas wrote an open letter to Empoy because he got inspired by the film.
On his Facebook account is where he shared the open letter and unexpectedly went viral.
He dedicated the open letter to “Empoy, Tonyo, and to all who are not so pogi like him.”
The letter contained praises to the actor as to how well he portrayed the role and he even stated, “Empoy is the new pogi.”
He emphasized that no matter how good looking a person if the heart is not pure, one will never find true love.
Read the open letter below:
“AN OPEN LETTER TO EMPOY, TONYO, AND TO All WHO ARE NOT SO POGI LIKE ME
Hindi ko alam kung saang planeta nanggaling ang mukha mo pero wala na kaming pakiaalam roon dahil may mas pake kami sa kung saang planeta nanggaling ang mga jokes mo. Hindi ko rin alam kung saang uri ng ipis nanggaling ang bigote mo dahil may mas pakialam kami sa kung saang rib cage nanggaling ang puso mo. Wala rin kaming pakiaalam kung maliit ka dahil mataas naman ang appeal ng mga banat mo dahil Empoy is the new pogi.
Aanhin ba natin ang guwapo sa mundong mapanlinlang gayong kung tunay na pag-ibig at kaligayahan ang hanap natin, bakit hindi tayo magpasakop sa mga kagaya ni Empoy. Pero gaya nga ng sinabi niya sa pelikula: It’s now. It’s never. Parang sumpa ang maging di kaguwapuhan sa mundong ito. Buti pa ang love birds, may love life. At minsan, buti pa ang mga hayop, may nakakatuluyan.
Pero iba ang naging tadhana mo sa pelikula, Empoy. Nakahanap ka ng tunay na pag-ibig, pag-ibig na bulag pero nakakakita. At dahil sa karakter mo sa pelikula, mas tumaas ang respeto ko sa mga tao, na baka sa loob ng puso nila ay may mas totoong pag-ibig.
Tama nga sina Piolo Pascual (excutive producer) at Binibining Joyce Bernal (creative producer) na ikaw ang piliing leading man sa romcom film na Kita Kita dahil kung hindi, hindi namin alam ang pakiramdam sa dulo ng pelikula. Hindi rin namin alam kung matatawa ba kami sa mga jokes ng pelikula kung hindi ikaw ang nagsambit. At hindi rin namin alam kung para kanino namin iaalay ang mga natutuhan namin sa pelikula kung hindi rin lang ikaw ang gumanap na bida.
Sana dumami pa ang mga pelikula mo para kahit sa pelikula ay magkaroon ng pogi points ang mga katulad nating humor na lang ang panlaban sa digmaan ng pag-ibig. Sana, dumami pa ang pelikula mo para mabawasan, kung hindi man mawala na, ang stigma ng mga babae sa mga katulad mong nakatulog yata nang magpamigay ng good looks si Lord. Sana, dumami pa ang pelikula mo para dumami la ang mga romcom movies nating maipangangalandakan nating atin dahil aminin man ng mundo o hindi, wala silang makikitang Empoy o Tonyo sa ibang lupalop ng mundo o kung saan mang sulok ng universe.”
What can you say about this?
Read also the previous article: Paolo Contis, LJ Reyes’ Touching Birthday Message To Son Akio
https://www.facebook.com/jeromepapalucas/posts/10211938432794625