Robert Carabuena Issued Public Apology to Fabros and MMDA (Transcript)

The most popular Filipino traffic violator have already issued a public apology to his victim, MMDA Officer, Sonny Fabros. A photo of Carabuena posted on Twitter by Traffic Discipline Chief Yves Gonzales on Thursday morning, the (–foul word(s) removed–)ailant was reading his letter of apology in front of MMDA Chief Francis Tolentino and several MMDA Traffic Officers.

Carabuena was a tobacco company manager was caught on a video footage taken by TV 5 on August 11, humiliating and slapping Saturnino “Sonny” Fabros in public during a traffic violation in Quezon City.

After the video was posted online, netizens were outraged with the kind of behavior that Carabuena shown during the incident and most of them demanding a public apology from him while other’s wanted to suspend his driver’s license.

The Traffic Officer he insulted was already working for 27 years, and he was promoted from Traffic Constable 1 to Traffic Constable 2, beside from receiving a lot of moral and financial support after the incident.

Here’s the transcript of Carabuena’s Apology to the Public:

Magandang umaga po sa ating Tagapangulo ng MMDA, Kagalang-galang na Atty. Francis Tolentino; magandang umaga rin po kay Mang Saturnino “Sonny” Fabros bagama’t di ko po siya nakikita ngayon; magandang umaga po sa inyong lahat!

Ako po si Robert Blair Carabuena, na kusang pumarito sa tanggapan ng MMDA, upang personal na humingi ng tawad at paumanhin kay Ginoon Saturnino Fabros, sa kanyang mga anak, sa inyo po Kagalang-galang na Chairman – bilang kumakatawan ng MMDA sa inyong pamumuno, at sa lahat ng mga traffic enforcers ng MMDA sa nangyari noong ika-11 ng Agosto.

Di na po lingid sa karamihan ang aking ipinakitang di kagandahang-asal noong ika-11 ng Agosto.

Sa iyo Mang Sonny, at sa inyong anim na anak, ako po ay humihingi ng inyong kapatawaran.

Itong mga nakaraang mga araw mula noong ika-11 ng Agosto, marami pong mga haka-haka na ako raw po ay nagtatago at baka raw tatakas.

Gusto ko pong ipabatid sa inyong lahat na di po ako nagtago at di ko po tatakasan itong aking hinaharap ngayon. Kaya po ako nandito ngayon sa tanggapan ng MMDA at humaharap sa ating Kagalang-galang na Chairman Tolentino ay para humingi ng kapatawaran at paumanhin sa aking inasal.

Nitong nakaraang Linggo, naramdaman ko po ang galit ng publiko sa aking inasal. Simula nang lumabas ang “video” sa media at sa “social media,” minabuti ko pong manatili muna sa aming tahanan. Kinailangan kong humingi ng payo sa aking pamilya at mga kaibigan, gayon na rin sa aking mga abogado.

Napag-alaman ko rin po na si Kagalang-galang Chairman Tolentino ay naghain ng reklamo sa LTO na ang aking lisensiya sa pagmamaneho ay kanselahin. Sa usaping ito, ako po ay nakikiusap kay Chairman Tolentino na pahintulutang umusad ang proseso ng pagkansela ng aking lisensiya. At habang ang prosesong ito ay umuusad, ako po ay nakikiusap na ako po ay payagan na tuluyang makapagmaneho sa dahilan na ito ay aking kailangan sa paghahanapbuhay.

Bilang pangwakas, nais ko pong muling humingi ng tawad at paumanhin kay Mang Sonny, sa ating Tagapangulo ng MMDA Francis Tolentino, sa buong kagawaran ng MMDA, sa aking pamilya, mga kaibigan, at sa publiko. Kung mayroon man akong hihilingin sa puntong ito, ako po sana’y mabigyan ng pangalawang pagkakataon, at personal na makahingi ng paumanhin kay Mang Sonny.

Maraming salamat po.But despite Carabuena’sapology, MMDA said they will still push through with the direct (–foul word(s) removed–)ault case filed against the former at the QC Prosecutor’s office.

 Carabuena Apologized to Fabros

Leave a Comment