Ano ang kwentong makabanghay? Alamin ang kahulugan at mga halimbawa.
KWENTONG MAKABANGHAY – Alamin at pag-aralan kung ano ang ibig sabihin ng kwentong makabanghay at mga halimbawa nito.
Ang banghay ay ang masinop na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akdang tuluyan.
Ano ang kwentong makabanghay?
Ito ang uri ng kwento na na nagbibgay tuon o diin sa sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari sa teksto o akda tulad ng maikling kuwento, anekdota, mito, alamat, at nobela. At ang makabanghay na kwento ay nagbibigay balangkas sa mambabasa kung saan naiintindihan nila ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa kwento na kanilang nabasa.
Ang mga bahagi o balangkas nito ay:
- Panimulang Pangyayari (bahagi kung saan ang mga tauhan, tagpuan, at ang suliranin na kahaharapin ay ipinapakilala)
- Papataas na Pangyayari (ang pagtangka na lutasin ang suliranin ng kwento)
- Kasukdulan (ang pinakamasidhing bahagi)
- Pababang Pangyayari (natamo ng pangunahing tauhan ang layunin)
- Resolusyon (ang pagkakaroon ng kwento ng makabuluhang wakas)
Ang mga sumusunod na pamagat ay halimbawa ngmakabanghay na kwento:
- Anim na Sabado ng Beyblade ni Ferdinand Pisigan Jarin
- Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual
- Ang Ama ni Mauro R. Avena
- Bagong Kaibigan ni G. Bernard Umali
- Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan
Isa sa mga halimbawa ay ang kwentong “Ang Ama” na isinulat ni Mauro Avena. Ito ang buod ng kwentong ito:
Ang mga anak ay laging natatakot sa kanilang ama na sinasaktan sila, lalo na ang isang sakiting si Mul Mul.
Nang umuwi ang ama na nasisante sa trabahho, iyak nang iyak si Mul Mul at sinuntok ng ama sa mukha. Si Mul Mul ay tumalsik sa kabila ng kwarto.
Nahimasmasan naman ito ngunit pagkaraan ng dalawang araw, si Mul Mul ay namatay. Labis na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkawala nito.
Ang amo ay bumigay ng mumunting abuloy. Ang ama ay dapat umisip na magiging mabuti siya para sa kanyang anak. tumungo siys sa ibang bayan at namili.
Nakita ng kanyang ibang anak ang pinamili niya at sinunod nila siya patungo sa libingan. Inihandog ng ama sa anak niyang si Mul Mul. Umulan at pinagsaluhan ng mga bata ang natira mula sa mga nasira ng ulan na binili niya.
READ ALSO:
- Teoryang Bulkanismo – Teorya Ng Pagkabuo Ng Pilipinas
- Pamilang Na Pangungusap – Ano Ang Pamilang Na Pangungusap?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.