Sino ang Sa Mga Pilipino author? Alamin ang kasagutan dito!
SA MGA PILIPINO AUTHOR – Alamin dito kung sino ang sumulat ng “Sa Mga Pilipino” at tungkol sa ano ang talumpating ito.
Ang Kilusang Propaganda ay nabuo sa Barcelona, Spain noong 1872 hanggang 1892 at ito ay nagsimula matapos mabitay ang tatlong paring martyr na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza).
Ang mga miyembro ng kilusan ay sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, Jose Maria Panganiban, Pedro Paterno, at marami pang iba. Ang layunin ng kilusan ay pantay-pantay na pagtingin sa mga Pinoy at Kastila, gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, gawing Pilipino ang mga kura paroko, at kalayaan ng mga pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon, at pagpapahayag.
At ang sumulat ng akda na “Sa Mga Pilipino” ay si Graciano Lopez Jaena. Ginawa niya ito noong 1879 at siya ang nagtatag ng La Solidaridad sa Barcelona.
Ito ay isa sa mahigit 100 na talumpati na kanyang naisulat. Ang partikular na akda na ito ay naglalayon na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Tungkol ito sa isang nais na maging malaya, maunlad, at may karapatan ang mga Pilipino.
Si Jaena ay tinaguriang “Prinsipe Ng Mga Orador”. Siya ay ipinanganak sa Iloilo noong Disyembre 18, 1860, at namatay noong Enero 20, 1896. Bilang isang awtor, siya nakakahikayat, maapoy, walang takot, dakila, at makapangyarihan.
Ang iba pang mga akda ni Jaena ay:
- Mga Kahirapan Sa Pilipinas
- En Honor De Los Filipinas (Ang Dangal Ng Pilipinas)
- En Honor Del Presidente De La Assocasion Hispano-Filipino
- Fray Botod
- La Hija Del Fraile
- Ang Lahat Ay Pandaraya
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.