Ano ang kahulugan ng relatibong lokasyon? Alamin dito!
RELATIBONG LOKASYON – Ang lokasyon ng isang lugar ay maaring matutukoy sa dalawang uri at ito ang dalawang uri nito.
Ang relatibong lokasyon ng Pilipinas ay:
- Bashi Channel at Taiwan sa Hilaga
- Celebes Sea at Indonesia sa Timog
- Pacific Ocean sa Silangan
- West Philippine Sea (South China Sea) sa Kanluran
Ang Pilipinas ay nasa Timog Silangang Asya, parehong lokasyon kung saan matatagpuan ang mga bansang Brunei, Cambodia, East Timor, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, at Vietnam. Ang tiyak na lokasyon ng bansa ay 12.8797° hilaga, at longitude na 121.7740° silangan.
Ang pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar maaring ganap at relatibo.
Ang ganap na lokasyon ay tumutukoy sa eksaktong address nito (latitude o longitude). Halimbawa ay 12.8797° hilaga, at longitude na 121.7740° silangan o ang ganap na lokasyon ng Pilipinas.
Sa kabilang banda, ang relatibong lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar na nakabatay sa lupain (bisinal) o katubigan (insular) na nakapaligid dito.
Halimbawa, ang Pilipinas. Ang bisinal na lokasyon ng bansay ay:
- Taiwan sa Hilaga
- Vietnam sa Kanluran
- Malaysia at Indonesia sa Timog
- Guam at Marianas Islands sa Silangan
Ang lokasyong insular naman nito ay:
- Kipot Ng Luzon sa Hilaga
- Dagat Kanlurang Pilipinas sa Kanluran
- Dagat Ng Celebes sa Timog
- Karagatang Pasipiko sa Silangan
Sa pagtukoy ng lokasyon, ginagamit natin ang mga pangunahin at pangalawang direksyon. Ang mga pangunahing direksyon ay Hilaga (North), Timog (South), Kanluran (West), at Silangan (East).
Ang mga pangalawang direksyon naman ay Hilagang Kanluran (Northwest), Hilagang Silangan (Northeast), Timog Kanluran (Southwest), at Timog Silangan (Southeast)
READ ALSO:
- Cause and Effect – Definition and Examples In Sentences
- CAPITAL CITIES OF THE WORLD: List of Countries and their Capital City
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.