BALBAL NA SALITA – Ito ang ibig sabihin ng balbal, mga salitang di pormal at mga halimbawa nito para sa mapalawak ang iyong kaalaman.
Ang balbal ay ang pinakamababang antas ng ating wika. Ito ay “slang” sa Ingles at ang mga salitang kalye ay itinuturing na balbal. Ito ang mga halimbawa,
ANO ANG BALBAL – Kahulugan Ng Balbal At Mga Salita Na Balbal
Kasagutan sa tanong na “ano ang balbal” at mga halimbawa nito.
ANO ANG BALBAL – Ang paksang ito ay magtatalakay ng mga bagay tungkol sa balbal at mga halimbawa ng mga balbal na salita.
Ang mga salitang balbal at kolokyal ay mga salita na itinuturing na “di-pormal” pero ang dalawang uri na ito ay marami ang pagkakaiba. Ang kolokyal ay ang “pinaikling bersyon ng isang salitang pormal”. Ito ay may kagaspangan pero ang pagsasalita nito ay nakadependende pa rin sa tao.
Halimbawa ng kolokyal:
- Nasan – nasaan
- Pyesta – pista
- Dalawa – dalwa
- Saakin – akin
- Ganoon – ganun
- Naroon – naron
Pero sa araling ito, magpo-pokus tayo sa balbal. Ang balbal ay itinuturing na “slang” sa Ingles, mga salitang kalye, at ang sinasabi na pinakamababang antas ng ating wika. Ang mga salita na ito ay maaring pinaikli, pinagsama, hiniram, iniba ang baybay, o maikling salita na pinahaba.
Tinatawag ito na salitang kalye dahil madalas ay nabubuo ang mga bagong salita na ito sa usapan sa kalye o kanto. Ito ay bahagi na ng kulturang Pilipino.
Ang mga salitang balbal ay kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap at sa bawat henerasyon, may mga bagong salita sa antas na ito na nalilikha. Ang pagbuo ng mga bagong salita na ito ay nagagawa sa isang morphological na proseso.
Ang morphological na proseso ay .sinasaklaw ang mga coinage, paghiram, compounding, blending, clipping, back-formation, conversion, acronym, derivation, inflection, multiple process, at reduplication.
Mga halimbawa ng mga balbal na salita:
- parak, lespu – pulis
- iskapo – takas
- istokwa – layas
- juding – binababae
- tiboli – tomboy
- epal – mapapel
- spongklong – istupido
- erpat – ama
- ermat – ina
- etneb – bente
- arat – tara
- utáw – tao
- goli – ligo
- lodi – idol
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.