Banyaga Ni Liwayway Arceo (Maikling Kwento)

Ang makiling kwento na Banyaga ni Liwayway Arceo, ang tauhan at kabuuan ng kwento.

BANYAGA NI LIWAYWAY ARCEO – Ang “Banyaga” ay isang maikling kwento na isinulat ni sikat na manunulat na si Liwayway Arceo.

Si Liwayway Arceo o Liwayway Ablaza Arceo ay isang sikat na kuwentista, radio scriptwriter, mananaysay, tagasalin, at editor sa wikang Tagalog. Sa kanyang buong karera, nakagawa siya ng halos 50 nobela, libong maikling kuwento, sanaysay, at dramang panradyo.

Liwayway Arceo

Ilan sa mga gawa niya na nagkaroon ng matinding katanyagan ay ang mga kwentong Canal de la Reina (1972) at Titser (1995).

Ang ilang mga kalipunan ng kaniyang mga maiikling kuwento:

  • Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha (1968)
  • Mga Piling Katha (1984)
  • Ina, May-bahay, Anak, at Iba Pa (1990)
  • Ang Mag-anak na Cruz (1991)

At isa sa mga sikat niyang maikling kwento ay tinatawag na “Banyaga”. Ito ay nanalo ng 1st Prize sa Carlos Palanca Memorial Awards noong 1962 na binansagang Teoryang Feminismo.

Ang mga tauhan ay sina Fely (ang hukom at pinag-uusapan sa kwento); Duardo (isang guro at matalik na kaibigan ni Fely); at Nana Ibang (nagpalaki at nagtaguyod kay Fely). Ang tagpuan ay sa bahay at paaralan ng Plaridel High School.

Basahin ang kabuuan ng maikling kwento:

Bilang manunulat, ang kanyang mga parangal na natanggap ay:

  • Carlos Palanca para sa Maikling Kwento sa Tagalog (1962)
  • Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng Cultural Center of the Philippines (1993)
  • Doctorate sa Humane Letters, honoris causa, mula sa University of the Philippines (1991)
  • Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers (1990)
  • Gawad Balagtas Life Achievement Award para sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the Philippines or UMPIL) sa taong 1998

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment