Sino ang ama ng dulang tagalog? Alamin!
AMA NG DULANG TAGALOG – Ang ama ng dulang Tagalog ay si Severino Reyes, alamin ang ilan sa kanyang mga gawa.
Ang dula ay “play” sa Ingles. Ito ay isang akdang pampanitikan na nahahati sa mga yugto. “Stage play” ang tawag sa mga dula na itinatanghal sa entablado at mayroong iba-ibang uri ng dula.
BASAHIN: Walang Sugat Buod: Ang Buod Ng “Walang Sugat” Ni Severino Reyes
Ito ang ibat-ibang uri ng dula:
- Dulang panradyo
- Dulang pantelibisyon
- Dulang panlansangan
- Tulang Padula
- Dulang Komedya
Ang isang dula ay may simula, gitna, at wakas. Simula kung saan napapaloob ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin habang sa gitna naman ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Sa wakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang kalutasan. At ang ama ng dulang Tagalog ay si Severino Reyes.
Siya ay kilala rin bilang “Ama Ng Sarsuwela” at tanyag bilang si Lola Basyang. Siya ang nagpasikat at ang manunulat sa likod ng “Mga Kuwento ni Lola Basyang” ng Liwayway.
Ito ang ilan sa kanyang mga sikat na dula:
- Filipinas Para Los Filipinos
- Puso Ng Isang Pilipina
- Bagong Fausto
- Alma Filipina
- Tatlong Babae
- Tatlong Bituin
- Mga Pusong Dakila
Samantala, kilalanin ang ibang mga sikat na personalidad sa panitikang Pilipino:
- Alejandro G. Abadilla – Ama ng Makabagong Prosang Tagalog; Ama ng Malayang Taludturan sa Pilipinas
- Francisco Balagtas – Ama ng Makatang Tagalog; Ama ng Wikang Tagalog
- Damian Domingo – Ama ng Sining ng Pagpinta
- Manuel L. Quezon – Ama ng Pambansang Wika
- Guillermo E. Tolentino – Ama ng Sining ng Pilipinas
- Lope K. Santos – Ama ng Pambansang Wika at Balarila
READ ALSO:
- Mga Alamat Na Hindi Sikat – Basahin Ang 5 Alamat Na Hindi Sikat
- Ano Ang Nobela – Kahulugan Ng Nobela at Mga Sikat Na Nobelang Pinoy
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.