Mga Alamat Na Hindi Sikat – Basahin Ang 5 Alamat Na Hindi Sikat

Ito ang mga alamat na hindi sikat at baka hindi mo pa nababasa.

MGA ALAMAT NA HINDI SIKAT – Sa araling ito inyong mababasa ang ilan sa mga alamat na hindi sikat pero masining ang pagkakasulat.

Ang alamat ay mga kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, hayop, lugar, o mga pangyayari. Ito ay maaring marinig sa kalye o paaralan at ang iba sa mga kwentong ito ay talaga namang mahirap paniwalaan.

Mga Alamat Na Hindi Sikat

Ito ang ilang mgahalimbawa:

Kung Bakit sa Gabi Lumilipad ang Paniki

Dati raw, mahigpit na magkagalit ang mga ibon at mga hayop lupa. Mabangis silang pare-pareho at kapag nakikita ang isa sa mga kaaway ay pinagtutulungan.

Sa kabilang dako, ang paniki ay isang hayop na mahiyain at hindi sumasali sa awayan. Iniiwasan niya ang ibon at pati ang mga hayop lupa. Ngunit isang umaga hindi nya naiwasan ang isang leon. Sa pamamasyal niya sa malapit sa kweba, biglang may lumabas na leon.

Akma na siyang papatayin nang nagsalita siya. “Huwag! Huwag mo akong patayin. Hindi mo ako kaaway. Ako’y tulad mo. Tingnan mo, pareho mo akong dalawa ang taynga at isa ang nguso.”

Tingnang mabuti ng leon ang paniki, at tunay nga, may taynga at ngusong katulad niya. “Sige, umalis kana. Pag nakakita ka ng ibon, tawagin mo ako,” bilin nya sa paniki.

Isang hapon, nasalubong naman ng ibon ang agila. Hinawakan siya nito ng malalaking kuko. “Huwag mo akong saktan,”  iyak nya. “Ako’y ibong tulad mo. Masdan mo’t may pakpak rin ako.”

“Ah..” sabi ng agila. “Isa ka rin palang ibon. May pakpak at nakalilipad. Magkakampi pala tayo.”

At mula noon, takot na ang paniki na lumabas nang maliwanag pa. Baka kasi may makasalubong siyang hayop sa lupa , o di kaya ay ibong lumilipad. Lagi na lamang sa gabi siya lumalabas sa kanyang pinananatilihang lugar.

Ang iyon ang dahilan kung bakit sa gabi lumilipad ang paniki.

Alamat Bakit Maluwag ang Balat ng Baka

Noong araw ay may isang lalaki na nag-aalaga ng isang baka at isang kalabaw. Katulong ang mga ito sa bukid sa pagtatanim at mga ibang gawain.

Isang araw, naisipan ng dalawang hayop ang maligo sa ilog. Inalis nila ang kanilang mga damit at lumublob sila sa tubig.
Masaya silang lumalangoy-langoy, nang matanaw nilang dumarating ang mabagsik nilang amo na may dala-dalang malaking pamalo.

Sa pagmamadali nilang makapagbihis, naisuot ng kalabaw ang baro ng baka, at naisuot naman ng baka ang baro ng kalabaw. Tumakbo sila para huwag maabutan ng among galit na galit.

Mabilis na nakalayo ang baka dahil luwag para sa kanya ang isinuot na baro. Ang kalabaw naman ay hindi nakatakbo dahil sa kasikipan ng suot.

Inabutan siya ng amo at hinampas ng hinampas.

Mula noon, maluwag na ang damit ng baka, at mas matulin siyang tumakbo kaysa kalabaw.

Alamat ng Suso 

Noong unang panahon, isinama ng isang babae ang kanyang anak sa taniman ng palay. gaganapin nila ang seremonyang tinatawag na “apoi” para alagaan ng mga anito ang kanilang palayan.

Habang ginagamasan ang bukid, inaalisan ng mga damo, sinabihan ng ina ang anak na pumunta sa talon at maligo.

Bumalik pagkapaligo ang anak at sumamo sa ina, “Gutom na gutom na po ako. Tayo nang umuwi.”

“Hindi muna. Bumalik ka sa talon at maligo muli. Doon ka lamang sa tubig manatili hanggang kita’y tawagin.” Nawili sa paggamas ng damo ang ina at hapon na nang maisipang umuwi.

Nang puntahan nya sa talon ang anak,nakita niya’y buhok na lamang at damit nito. Sa mga buhangin sa baybayin ng talon, sa ilalim ng tubig na daloy nito, napansin niya ang mga ginga at katan, mga kalamnan at buto ng kanyang anak.

At nalaman niya na ang kanyang anak ay naging mga suso.

Alamat: Bakit Naging Mahaba ang Taynga ng Kuneho

Tumawag ng pulong ang kwago, hari ng mga hayop. May Mahalagang pag-uusapan daw tungkol sa mga suliranin at kung paano nila malulutas ang mga ito.

Nagsidating ang mga hayop. Mga ibon,usa, tupa, kabayo, kalabaw, butiki, mga iba pang hayop ng himpapawid at kalupaan. Ngunit wala si Kuneho.

“Nasaan si Kuneho? Bakit wala rito?” tanong ni Kuwago.

“Kailangan ay narito ang lahat. Mahalaga ang ating tatalakayin.”

Lumipad si kuwago sa tirahan ni Kuneho. “Kuneho! Kuneho! Nandiyan ka ba?”

Nasa loob ng kweba nya si Kuneho. “Magtutulog-tulugan ako.” bulong nya sa sarili.

“Ayaw ko ngang dumalo sa mga pagpupulong. Nababagot ako.”

“Kuneho!” sigaw ni Kuwago, “Alam kong nariyan ka sa loob. Narinig mo ako. Kapag hindi ka pa lumabas diyan ay pahahabain ko ang taynga mo.”

Nagbingi-bingihan parin si Kuneho. Maya-maya, naramdaman niyang lumalaki at humahaba ang kanyang taynga.

“Kaibigang Kuwago!” sigaw niya.

“Pupunta na ako sa pulong. Ihinto mo na ang pagpapahaba ng aking taynga.”

Pumunta siya agad sa pinagdarausan ng pulong. Nang makita siya ng mga kapwa hayop, malakas ang tawanan nila.

“Narito po ako, Mahal na Hari,” samo niya. “Paliitin po ninyo uli ang aking taynga.”

“Hindi maaari. Parusa ko iyan sa hindi tumatalima sa ipinag-utos ko. Kailangan mong magtanda.” galit na sagot ni Kuwago.

“Ngayon ay makikinig ka nang lagi.”

Iyan ang dahilan kung bakit naging mahaba ang taynga ng kuneho.

Ang Alamat ng Unang Bahaghari

Nagtataka ang magbubukid kung bakit ang pader na itinayo niya ay laging bumabagsak. Sinubukan niyang magbantay isnag gabi para malaman kung sinong malikot ang may kagagawan.

Nahuli niya’y tatlong dalagang-bituin na naglalaro sa kanyang bakuran. Nakatakas ang dalawa nang mapansin siya. Ang isa, dahil hindi makita ang mahikang mga pakpak niya, ay naiwanan.

Nagkaibigan ang magbubukid, na siya palang nagtago ng pakpak, at ang dalagang-bituin. Nagpakasal sila at nagkaroon ng isang supling na lalaki.

Isang araw, sa paglilinis ng babae sa ilalim ng bahay, natagpuan niya ang nawawalang pakpak. Dagli niyang isinuot ang mga ito at pumailanlang sa kalangitan, kasama ang anak.

Nahabag ang mga diyos sa magbubukid kaya naglagay sila ng bahaghari para madaanan nito paakyat sa mga alapaap para muling makita ang asawa’t anak.

Ang mga alamat na ito ay nagmula sa Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas blog.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.