Paglilimayon – Kahulugan Ng Paglilimayon, Halimbawa sa Pangungusap

Ano ang kahulugan ng paglilimayon at mga pangungusap na gamit ang salitang ito.

PAGLILIMAYON – Ano ang ibig sabihin ng “paglilimayon” at magbigay ng mga pangungusap gamit ang ganitong salita.

Ang wikang Tagalog ay maraming mga salita hindi nagagamit kadalasan o hindi nagagamit sa pang-araw-araw na pag-uusap. At isa sa mga salitang ito ay ang “paglilimayon” kung saan ito ay nangangahulugang “paglibot”, “paggala”, “paglaboy”, at “pag-lalamiyerda”.

Paglilimayon

Sa Ingles, ito ay tinatawag na “gallivant” na ang ibig sabihin ay “to go around from one place to another in the pursuit of pleasure or entertainment.”

Ito ang mga kahulugan ayon sa Tagalong Lang:

limayón: líbot o paglilibot
limayón: bulakbol, aligando
limayón: paglalakad nang walang kapararakan, paglilibot, paggala
maglimayón: magbulakbol
naglilimayón: nagbubulakbol
makilimayón: makibulakbok
paglilimayon: paglilibot

Ilang mga pangungusap gamit ang salitang ito:

  1. Ang [paglilimayon] ni Dora na palabas na may dalang aral ay nagdadala ng aliw sa maraming bata.
  2. [Paglilimayon] sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan ang nakikitang kong solusyon upang makalimot at makapag-simulang muli.
  3. Pinaaral siya sa isang magandang paaralan upang hindi maglimayon at mabarkada sa mga taong walang magandang impluwensya.
  4. Saan na naman kaya naglimayonang batang iyon ngayong araw?
  5. Sa aking [paglilimayon], marami akong nalaman tungkol sa maraming lugar.

Sa kabilang banda, ito ang ilan sa mga malalalim na salita ng ating wika at ang kanilang mga kahulugan:

  • dumatal – dumating
  • masimod – matakaw
  • kumakandili – nagmamalasakit
  • agam-agam – pangamba
  • bahagdan – porsyento
  • Balintataw – guni guni
  • naapuhap – nahanap
  • nagkukumahog – nagmamadali
  • sapantaha – hinala
  • nabuslot – nahulog sa butas
  • batalan – lababo
  • bathalaan – tagalog ng theology
  • batlag – kotse (car)
  • buumbilang – (whole number) lahat
  • dalubhayupan – tagalog ng zoology
  • dalubsakahan – tagalog sa agriculture
  • danumsigwasan – tagalog sa hydraulycs
  • hangganan – limitasyon
  • hatimbutod – tagalog sa Mitosis
  • hatinig – tagalog sa telephone o telepono

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.