Kasaysayan Ng Wikang Pambansa Sa Panahon Ng Amerikano

Ano ang kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng Amerikano? Alamin!

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA – Pagtalakay sa kalagayan at kasaysayan ng wikang pambansa sa ilalim ng mga Amerikano.

Sa panahon ng Kastila, ang wikang Pambansa at ang mga wikang katutubo ay nanganib dahil sa mga kautusan ng mga opisyal na pag-ibayuhin ang wikang Espanyol sa bansa. At sa panahon ng Amerikano, nagsimula sa dalawang wika ang ginagamit sa bansa, sa pamamagitan ng mga kautusan at proklamasyon, perso sa kalaunan ay napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal dahil sa mga bagong mananakop.

Kasaysayan Ng Wikang Pambansa

Ang mga Amerikano ang nagsagip sa atin at tumulong upang mapatalsik ang mga kastila sa ating bansa. Noong 1898, tuluyang bumagsak ang pamahalaang Kastila. Sa panahon ng mga bagong mananakop, dumami ang bilang ng mga Pinoy na natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles. Ito ay sa kadahilanang Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899, kung saan ipinatupad ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo.

At ang nakuha ng ating bansa sa mga Amerikano ay edukasyon – ito ang kanilang pamana sa atin. Mga sundalo ang mga naging unang guro bago dumating ang mga Thomasites sa ating bansa. Ang Bise Gobernador-Heneral na si George Butte ay nagpahayag noong 1931 na hindi dapat Ingles ang magiging wikang pambansa sa Pilipinas kung saan sinang-ayunan nina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw.

Noong 1934, naging matindi ang argumento sa pagitan ng mga tao na ayon sa wikang Pilipino na gawing wikang pambansa at hindi ayon dito. Ang mga hindi ayon dito ay naniniwala na ang pagsasalita ang Ingles ang daan upang makahanap ng trabaho.

Subalit si Lope K. Santos at ang grupo niya ay itinaguyod na dapat ang pagpili ng wikang pambasa ay ayon sa umiiral na wikain sa bansa. Sinuportahan ito ni Manuel L. Quezon at kalaunay isinaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3, Konstitusyon ng 1935.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment