Lokomotor at Di Lokomotor – Ano Ang Mga Kilos Lokomotor at Di Lokomotor

Ang ibig sabihin ng kilos Lokomotor at kilos Di Lokomotor at mga halimbawa nito.

LOKOMOTOR AT DI LOKOMOTOR – Ano ang kahulugan ng kilos lokomotor at ng kilos di lokomotor at mga halimbawang kilos nito.

Ang ating mga pag-araw-araw na kilos ay nababahagi sa dalawa – ang lokomotor at ang kilos di lokomotor. Ang lokomotor ay ang mga kilos na iyong ginagawa kung saan umaalis ka sa mismong kinalulugaran mo. Samantala, ang isa naman ay ang kabaliktaran nito o ang mga kilos na iyong ginagawa na hindi ka umaalis sa iyong pwesto.

Sa araw-araw, hindi man natin batid, ang dalawang uri ng kilos na ito ay ating nagagawa. Kung walang kilos, walang mangyayari kung kaya’t ang pagkilos ay mahalaga na ating mabatid.

Halimbawa ng mga kilos lokomotor:

  1. Pagtakbo
  2. Paglaro
  3. Paglukso
  4. Paglakad
  5. Paglangoy
  6. Pag-akyat
  7. Pagsayaw
  8. Paglilinis ng bahay
  9. Pagtalon
  10. Pagwawalis

Halimbawa ng mga kilos di lokomotor:

  1. Pagkaway
  2. Pag-upo
  3. Pagbasa
  4. Pagtalon
  5. Pag-unat
  6. Pag-imbay
  7. Pagluhod
  8. Pagbaluktot
  9. Pagsulat
  10. Pagguhit

Ang mga kilos ang naglalarawan din ng ating pagkatao – sa kung paano tayo pinalaki, sa ating mga pinaniniwalaan at pinapahalagahan, at kung paano natin tratuhin ang ating kapwa. Mayroon din tayong tinatawag na panloob na kilos at panlabas na kilos.

Ang panloob na kilos ang ay kung ano ang sa ating isipan at sumasalamin ng ating pagpapasya habang ang panlabas na kilos naman ay ang nagpapakita ng ating panloob na kilos o ang nagsasakatuparan nito. Dahil dito, ang panloob at panlabas na kilos ay hindi maaring maghiwalay – sa madaling salita, walang kilos na lalabas o maisasagawa kung ang isang pasya o ideya ay hindi naproseso ng inyong kaisipan.

Sa pagproseso ng iyong mga desisyon sa loob ng iyong isipan, ang mga bagay na madalas mong maisasaalang-alang ay ang iyong layunin, pamamaraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan kung maisasagawa mo na ito.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment