Katangian Ng Abstrak – Kahulugan Nito At Mga Nilalaman

Ang kahulugan, nilalaman, at katangian ng abstrak. Alamin dito.

KATANGIAN NG ABSTRAK – Ano ang abstrak bilang bahagi ng kultura at akademya at ang mga katangian ng isang abstrak.

Ang abstrak ay ang ang paglalagom na madalas ginagamit sa thesis, scientific papers, technological lecture, mga report, at iba pa tulad ng artikulo, ulat, pag-aaral, at pananaliksik. Kadalasan, ito ay nakikita pagkatapos ng pahina ng pamagat. Ipinapaloob dito ang pinakabuod ng isang akdang akademiko. Naglalahad ito ng problema o suliranin, metolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinagawa.

Katangian Ng Abstrak

Ang mga nilalaman ng isang abstrak:

  1. Rationale o layunin ng pag-aaral
  2. Suliranin ng Pananaliksik
  3. Saklaw at Delimitasyon ng Pananaliksik
  4. Resulta at Konklusyon ng Pananaliksik

Mga Katangian:

  • May 200 hanggang 250 na salita at naka dobleng espasyo.
  • Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap na malinaw at direkta.
  • Nabanggit ang impormasyon sa papel. Hindi maaring maglagay ka ng mga detalye na hindi nabanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
  • Madaling maunawaan at makuha ng mambabasa ang target. Huwag magpaligoy-ligoy at gawing maikli pero komprehensibo para mapaintindi sa nagbabasa ang naging takbo, bunga at resulta ng ginawang pananaliksik.
  • Iwasang isulat ang iyong sariling opinyon at iwasang maglagay ng statistical figures.
  • Maging obhetibo at isulat lamang ang mga pangunahing kaisipan. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat.

Ang mga uri ng abstrak ay Deskriptibong Abstrak at Impormatibong Abstrak.

  1. Deskriptibong Abstrak – wala itong konkretong buod o konkretong resulta pero pinapaloob dito ang kaligiran, tuon, at layunin ng papel. Maiksi lamang ito.
  2. Impormatibong Abstrak – ito ay naghahayag ng kumpleto, detalyado, kapaki-pakinabang, at may malinaw na impormasyon. Mas mahaba ito kumpara sa deskriptibong abstrak.

Halimbawa ng isang abstrak mula sa Academia:

Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon

Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng intelektuwalisadong wika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema. Binigyang diin ang mga pananaw na ang wikang Filipino ay isang wikang hindi kayang maipahayag ang mga kaisipan. Dagdag pa rito, sinabi rin na ang dahilan nito ay ang kanluraning kaisipan. Mula rito, sinabi na ang mga may pribilehiyo at nakapapasok sa mga unibersidad lamang ang nakaiintindi sa mga kaalaman; nahiwalay ang unibersidad sa taong bayan. Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang Pilipino”— koleksiyon ng mga masteral na tesis at disertasyon ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1974 hanggang sa kasalukuyan — ang naging dahilan sa pagsulat sa wikang Filipino, na nakapagpalayasa kanila mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na ideya sa pagsusuri sa lipunang Pilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidad at ng mga intelektuwal. Sinabi na ang unibersidad ang may tungkulin sa pagpapalaganap, pagsulong at pagpapayaman ng wikang Filipino upang magkaroon ng oportunidad ang masang Pilipino na makalahok sa mga intelektuwal na diskurso. Tungkulin naman ng mga intelektuwal ang pagwasak sa alyenasyon ng unibersidad, ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtulong sa paghasa ng isipan ng masang Pilipino sa pagiging kritikal at malikhain.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment