Ano Ang Pang-Ugnay At Mga Halimbawa Nito Sa Pangungusap

Katanungang: Ano ang pang-ugnay? Ito ang sagot!

ANO ANG PANG-UGNAY – Pagtalakay sa ibig sabihin ng pang-ugnay, ang paggamit nito, at mga halimbawa nga pang-ugnay sa pangungusap.

Ang pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o pangungusap. May tatlo itong uri – ang pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol. Pinagdudugtong nito ang mga salita na may kaugnayan.

Ano Ang Pang-Ugnay

Ito ang tatlong uri ng pang-ugnay:

  • Pangatnig
    Ito ang nag-uugnay ng salita sa kapuwa salita, parirala sa kapuwa parirala, sugnay sa kapuwa sugnay, o pangungusap sa kapuwa pangungusap. Ang pitong uri nito ay:
    • pamukod – gumagamit ng o, ni, maging, at man para sa pagpili, pagtatakwil, pagbubukod, o pagtatangi 

      Halimbawa: Si Christine ay maganda, maging sa Lanie.
    • panimbang – gumagamit ng at at saka para sa dalawang salita o kaisipan na magkasinghalaga

      Halimbawa: Ikaw at saka si Ben ay parehong mabait at magalang.
    • panubali – gumagamit ng kung, kapag, tila, at sana para magsabi ng pag-aalinlangan

      Halimbawa: Pupunta ako sa gimik kapag pupunta rin si Kuya Allan.
    • paninsay – gumagamit ng ngunit, subalit, at samantala para sa mga magkasalungat

      Halimbawa: Gusto ko siya ngunit hindi niya ako gusto.
    • pananhi – gumagamit ng dahil sa, sanhi ng, sapagkat, at palibhasa para mangatwiran

      Halimbawa: Wala siyang reaksyon palibhasa ay hindi siya ang nawalan.
    • panapos – gumagamit ng sa wakas at sa lahat ng ito para magpahiwatig ng pagtatapos

      Halimbawa: Matapos ang isang awiting, sa wakas ay makakapagpahinga na rin.
    • panlinaw – gumagamit ng kung gayon, samaktwid, at sa madaling salita para magpaliwanag ng bahagi o kabuuan

      Halimbawa: Hindi ko siya gusto kaya sa madaling salita, hindi kami magkakatuluyan.
  • Pang-angkop
    Ito ang pagdudugtong ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng ng, na, at -g para mas maging madulas ang pagkakasambit.
    Halimbawa: magandang dalaga; angking talento, magandang gabi, tanyag na artista, magaling na pintor
  • Pang-ukol
    Ito ang mga salita na tumutukoy sa pinagmulan o patutunguhan, kinaroroonan o pinagkakaroonan, at pinangyayarihan o kinauukulan ng isang kilos. Gumagamit ng ng, sa, kay, ni, nina, kay, kina, ayon sa, ayon kay, sa harap, na may, at iba pa.
    Halimbawa: Hindi ko gustong lumabas dahil ayon sa balita, mataas na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

READ ALSO:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment