Slogan Tungkol Sa Kalamidad Halimbawa At Kahulugan

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Slogan Tungkol Sa Kalamidad

SLOGAN SA KALAMIDAD – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng slogan tungkol sa kalamidad.

Maraming kalamidad ang nakasalubong ng Pilipinas sa taong ito. Dahil sa bagong bagyo na si Odette, maraming buhay ang na-apektuhan lalo na sa Visayas at Mindanao.

Slogan Tungkol Sa Kalamidad Halimbawa At Kahulugan

Kaya naman, heto ang mga halimbawa ng slogan patungkol sa kalamidad at kung paano ito paghandaan:

  • Maghanda para sakuna’y hindi makapinsala.
  • Kalamidad ating paghandaan, buhay natin ay ingatan.
  • Ang paghahanda ay nakakaligtas, Kalamidad ating maiwas.
  • Ligtas ang may alam, mas ligtas ang may pakialam.
  • Hindi maiiwasan ang kalamidad, lahat tayo’y may responsibilidad.
  • Sa panahon ng kalamidad, ating kaligtasan ay dapat may siguridad.
  • Mga babala pakinggan para sa iyong kaligtasan.
  • Makinig sa balita, dapat pa ring handaan ang mga bagay na hindi pa nakikita.
  • Ang paghahanda ay hindi mapapalitan, ito’y para sa ating kaligtasan.
  • Kalamidad ay hindi mawawala, kaya paghahanda dapat ay laging ginagawa.

Ang Pilipinas bilang isang bansa na malapit sa “Pacific Ring Of Fire” at sa Typhoon Belt ay tinatawag na “Prone To Calamity”. Ibig sabihin, mas malaki ang posibilidad ng mga bagyo, baha, pag sabog ng bulkan at iba pang kalamidad.

Kaya naman, dapat natin itong pag-handaan. Bukod dito, sama-sama rin dapat tayo sa pagtulong sa mga taong nangangailangan sa mga panahong ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kulturang Materyal Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment