Kulturang Materyal Halimbawa At Kahulugan

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Kulturang Materyal At Kahulugan Nito

KULTURANG MATERYAL – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng kulturang materyal at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Maraming kultura tayong nakukuha. Posible itong manggaling sa ating lipunan, pamilya, kaibigan, o iba pang mga impluwensiya. Pero, ang isa sa pinakalaganap na kultura sa kasalukuyang panahon ay ang kulturang materyal.

Kulturang Materyal Halimbawa At Kahulugan

Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya, napunta ang atensyon ng mga tao sa mga bagay nakakapag-bigay ng kaginhawaan. Kaya naman, naging uso ang mga bagay na nagpapa-simple ng ating buhay.

Isang halimbawa nito ay ang ating mga selpon. Sa kasalukuyang panahon, napapabilis at napapadali ang ating buhay dahil nakukuha na sa selpon ang halos lahat ng ating gustong makita.

Hindi na natin kailangan ng telebisyon para maka kuha ng balita, sine, mga laro at iba pa. At, dahil karamihan sa atin ay mayroon ng selpon, nakikita natin ang ibat’-ibang bagay na nasa patalastas na ibinebenta.

Dito na rin umusbong ng lubusan ang kulturang materyal. Dahil sa kulturang ito, nabuo ang kultura sa ating lipunan sa kagustuhan ng mga bagay, pagkain, at ipa pang likha ng mga tao.

Heto ang iba pang mga halimbawa ng materyal na kultura:

  • Paghahanda ng mga ibat-ibang pagkain tuwing pista
  • Pagsusuot ng mga barong at saya
  • Pagbibigay ng mga regalo at pera sa mga ikinasal

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Layunin Ng Bionote – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment