Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalaga Ang Callao Man Sa Kasaysayan?”
CALLAO MAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang Callao man sa sinaunang kasaysayan.
ANO ANG CALLAO MAN?
Marahil ay tinatanong mo ang iyong sarili kung ano nga ba ang Callao man? Katulad ng mga Homosapien, ang Callao Man ay isa sa mga ninuno ng mga tao.
Silay ay pandak at nasa 4” lamang ang taas. Sila’y komportable sa puno katulad lamang sa lupa. Ang mga sinaunang taong ito ay nakita sa Pilipinas.
Ayon sa isang aritkulo sa All Things Interesting, may mga biological artificats na napanatili ang luzon na may edad na sobra sa 50,000 years. Tinawag ang mga taong ito na “Callao Man” dahil sila’y nakita sa Callao Caves ng Luzon.
KAHALAGAHAN NG CALLAO MAN
Habang ang maliliit na ngipin ng mga sinaunang tao at ang heyograpikong lokasyon ng mga fossil na ito ay nagpapakita na sila ay karaniwang katulad ng kanilang mga kontemporaryo ng Homo floresiensis, ang hugis ng kanilang mga ngipin, paa at iba pang mga katangian ay tumutukoy sa kanila bilang isang hiwalay na species.
Sinasabi na ang mga Callao Man ay isang uri ng “Dwarf Human”, ang pangalawang uri nito na nadiskubre. Bukod dito, sila’y pinaniniwalaang nabuhay sa Pilipinas noong 700,000 na taon nang nakalipas.
Mahalaga ang Callao man sa kasaysayan ng sinaunang tao dahil ito’y nagpapakita ng mga tinatawag na “preliminary blueprint” ng mga ninuno ng mga tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Kumilos Ang Hayop At Tao – Kahulugan At Halimbawa