Batayan Ng Pagrarango – Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Mga Batayan Ng Pagrarango? (Sagot)

PAGRARANGO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga batayan ng pagrarango at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Marami tayong makikitang batayan sa pagrarango. Kahit saan tayo tumingin, basta mayroong sistema, mayroon ring sistema ng pagrarango. Makikita ito mula pa sa ating pag-aaral sa elementarya, sa gobyerno, sa mga negosyo, at sa iba pang mga trabaho.

Batayan Ng Pagrarango – Halimbawa At Kahulugan Nito

Halimbawa, bilang mga mag-aaral, kayo ay sumasailalim sa pagrarango batay sa pinakamataas na marka na galing sa mga klase at extracurricular na mga gawain. Sa trabaho naman, ang pagraranko ay nakabatay sa kanilang galing sa pag-trabaho.

Sa mga malalaking kompanya, mayroong CEO o presidente, mga sekretarya, at iba pa. Pero, pagdating naman sa pulitika, ang pagrarango ay hindi batay sa galing ng isang tao kundi sa paramihan ng boto ng mamamayan.

Ito ang dahilan kung bakit marami sa mga nasa puwesto ang hindi ganun ka galing sa kanyang ginagawa. Heto pa ang ibang impormasyon tungkol sa pagraranko.

Ginagawa rin natin ang pagrarango sa pag pili kung ano ang mas mahalaga sa atin. Halimbawa nito ay ang pag rarango ng mga pangangailangan para maitipid ito sa badget ng isang pamilya.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kaugnayan Ng Migrasyon Sa Industriya – Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment