Ano Ang Kaugnayan Ng Migrasyon Sa Industriya? (Sagot)
MIGRASYON AT INUDSTRIYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kaugnayan ng Migrasyon sa Industriya at ang mga halimbawa nito.
Ang industriya ay nakikinabang sa migration sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga empleyado na makipagkalakalan ng mga kalakal o serbisyo. Bukod dito, ito’y malaking tulong sa pagpapaunlad ng mga aspeto nito.
Halimbawa, ginagamit ang lakas ng mga mangagawa upang makabuo ng mga produkto at kagamitan para sa mga mamamayan. Ito’y binebenta ng mga malalaking kompanya at negosyante.
Sa dahilang ito, mas marami rin ang nabibigyan ng trabaho at napapaunlad ang lungsod kung saan makikita ang pagawaan ng mga serbisyong ito. Dahil sa migrasyon, nadadagdagan ang lakas ng paggawa nito sa mga bansa.
Bukod dito, ang mga kawani at mamamayan na naglalakbay sa ibang bansa ay masisiyahan sa mga produkto ng industriya. Maraming talento ang makikita sa ibang mga bansa, kaya sa tulong ng migrasyon, natutulungan ang mga bansa na makinabagang sa isa’t-isa.
Ang isang halimbawa nito ay ang paglilipat ng mga taong may maraming alam tungkol sa industriya ng mga bansa. Pagkatapos, sila’y nagtuturo sa bansang pupuntahan kung paano gagawin ang kanilang mga produkto.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sino Si Okonkwo At Ano Ang Mga Katangian Ng Taong Ito?