Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Mabuting Pagpapasya?”
PAGPAPASYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mabuting pagpapasya at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang mga mabuting pagpapasya ay tinatawag rin natin na mga mabuting desisyon. Ito’y dulot ng mabuti, malalim, lohikal, kritikal, at pagkamalikhaing pag-iisip tungkol sa aksyon na dapat gawin sa ano mang sitwasyon.
Heto ang mga kahalagahan ng mabuting pagpapasiya:
- Nagiging mabuti at mabuti ang mga aksyon ng mga tao sa kanilang buhay.
- Mayroong landas ang buhay na tinatahak ng nagdi-desisyon.
- Nakagagawa tayo ng mabuti hindi lamang para sa ating sarili, kundi pati na rin sa ating mga kapwa.
- Nakaiiwas sa mga problemang dulot ng masamang mga desisyon.
- Nasusunod ang mga pansariling kagustuhan basta naayon sa tama.
- Nakakamit ang mga minimithi at pangarap sa buhay.
- Nakararamdam ng saya at galak ng kalooban.
Pero, paano nga ba natin malalaman kung mabuti nga ba ang ating pagpapasya? Heto ang mga halimbawa ng maaari nating gawin para makamit ito:
- Mangalap ng kaalaman.
- Magnilay-nilay sa mga nagawang mga aksyon.
- Humingi ng gabay sa Diyos
- Tayain ang damdamin sa napiling pasya.
- Pag-aralan muli ang pasya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Elemento Ng Tekstong Impormatibo – Halimbawa At Kahulugan Nito