Ano Ang Mga Salitang Nagpapahayag Ng Damdamin? (Sagot)
PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN – Sa pasksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng salitang nagpapahayag ng damdamin at ang kahulugan nito.
Maraming paraan ng pagpapahayag ng damdamin. Isa sa pinaka epektibong paraan ay ang pag-gamit ng wika o mga salitang naglalarawan ng iyong nararamdaman para sa isang tao, paksa, o pangyayari.
Heto ang mga halimbawa ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Mabilis mong malalaman na ito’y pangungusap na padamdam dahil sa tandang padamdam na “!”.
- Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
- Napakasakit na malamang ang sariling anak ang pumatay sa ama!
Ito naman ang halimbawa ng maiikling sambitla. Ang mga sambitla ay iisahin o dadalawahing pantig na nagpapakita ng matinding damdamin. Halimbawa:
- Aray! Ako’y nasugatan ako ng kutsilyo.
- Wow! Ang bango ng damit mo, Peter.
Mayroon ding mga pangungusap na nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng isang indibidwal. Ang mga ito ay pangungusap na pasalaysay. Dahil dito, hindi ito nag sasaad ng matinding damdamin. Pero nagpapakita pa rin ito ng damdamin at emosyon. Heto ang mga halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang taong nagmamahal sa iyo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng mga tao ang mga selpon nila na gumagana pa naman.
Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ni Hector na hindi patayin ang ilaw.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Proseso Ng Pagsulat Ng Teksto – Halimbawa At Iba Pa!