Ano Ang Buod Ng Elehiya para Kay Ram? (Sagot)
ELEHIYA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang buod ng tulang “Elehiya Para Kay Ram” at ang kahulugan nito.
Ang tulang ito ay tulang nagsasalaysay. Ito’y naglalarawan sa mga pangyayari sa buhay ni Ram noong siya’y nabubuhay pa hanggang sa kanyang kamatayan.
Sa Elehiyang ito, nabanggit ang mga pangyayari sa nakaraan at kung paano nabuhay ang isang bata na nagsimula sa lansangan. Heto ang buod ng tula.
Ang tulang ito ay nagsasalaysay sa buhay ni Ram, isang batang lanasangan. Siya ay nagtitinda ng mga kendi para magkapera. Subalit, may bisyo ito ng paggamit ng rugby.
Sa tula, mayroong pagkakataon na kuntento na lamang si Ram sa kung anong meron siya sa buhay dahil ito na raw ang binigay ng Diyos sa kanya. Dahil dito, para sa kanya, wala na siyang magagawa kundi tanggapin ito.
Si ram ay wala ring permanenteng tahanan ngunit nananatili siyang masayahin. Pero sa kalaunan, si Ram ay natutong magtrabaho. Dito siya nagsimula ng kanyang marangal na buhay.
Pagkatapos nito, nagkaroon na si Ram ng sariling tahanan na may ilaw, may gamot, may kasama, at may musika na ang kanyang buhay. Bukod dito, nakapagtapos na siya ng pag-aaral.
Pero, sa panghuli, katulad lamang ng lahat ng tao, dumating rin ang araw ng pagkamatay ni ram. Ito’y inilarawan sa pamamagitan ng pagsabi na humalik na sa lupa ang saranggola. Sa tula ay binigyan ng parangal si RAM noong siya ay namatay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Katapora? – Kahulugan At Halimbawa Nito