Bakit Nakakabuti Ang Pananagutan? Kahulugan At Halimbawa

Bakit Nakakabuti Ang Pananagutan? (Sagot)

PANANAGUTAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba nakakabuti ang pananagutan at ang mga halimbawa nito.

Lahat tayo ay may kalayaan. Ngunit, ating dapat intindihin na ang kalayaan ay may kapalit na responsibilidad. Kaya naman, dito pumapasok ang pananagutan.

Ang bawat aksyon na likha ng ating kalayaan sa pag-iisip at kilos ay mayroong pananagutan. Maaari itong maging mabuti o masama. Kaya naman, dapat nating pag-isipang mabuti ang ating mga ginagawa.

Bakit Nakakabuti Ang Pananagutan? Kahulugan At Halimbawa

Ito’y dahil ang bawat hakbang na ating gagawin ay tumutungo sa pagiging responsable at produktibong bahagi ng lipunan. Bukod dito, napapataas rin nito ang ating kumpiyansa sa sarili na kaya nating gawin ang tawa para sa ating sarili at sa mga taong malapit sa atin.

Halimbawa, kapag ikaw ay may pagsusulit sa susunod na araw, ikaw ay mayroong responsibilidad at pananagutan kapag ikaw ay hindi nag-aral ng husto. Kung pinili mo na maglaro lamang imbis na mag-aral, dapat mong intindihin na ika’y mayroong pananagutan sa iyong pamilya at sarili na dapat mong pagbutihin ang oras mo sa paaralan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Salik Ng Produksyon – Ano Ang Uri Ng Salik Ng Produksyon? (Sagot)

Leave a Comment