Ano Ang Uri Ng Salik Ng Produksyon? (Sagot)
PRODUKSYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang uri ng salik ng produksyon at ang mga halimbawa nito.
Ang produksyon ay may iba’t-ibang mga salik. Ito ay ang mga sumusunod:
- pinagkukunang-yaman na may kapakinabangan sa produksyon
- mga bagay o kagamitan na ginagamit para maibigay ang mga bagay na sasagot sa kagustuhan at pangangailangan ng konsumer.
- mga elemento ng produksyon
Heto ang apat na uri:
- Lupa – mga bagay na ating makukuha sa kapaligiran na ating ginagamit sa paggawa ng produkto. Hindi lamang tungkol sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay kundi lahat ng likas na yaman na ating makikita. Kasama na dito ang yamang tubig, mineral, at gubat. Ang lupa ay takda ang bilang.
- Kapital o Puhunan – Ang kapital o puhunan ay siyang ginagamit upang makapagtayo o makapagsimula ng produksyon. Ito ang ginagamit upang mabili ang mga pangunahing kagamitan para makapag-gawa ng bagay na puwedeng ibenta sa konsumer.
- Paggawa o Lakas Paggawa – mga tao na siyang gumagawa sa mga produkto gamit ang mga makikita sa kanyang kapaligiran. Ang tao ay ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Ito ay naglalarawan sa kapasidad ng indibidwal sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
- Entreprenyur – tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Tunguhin Ng Isip At Kilos Loob? – Halimbawa At Sagot