Ano Ang Halimbawa Ng Pagkakaroon Ng Pantay Sa Karapatan? (Sagot)
PANTAY NA KARAPATAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan at ang mga halimbawa nito.
Ang pantay na karapatan ay ang oportunidad ng pantay-pantay na karapatang dapat na ibigay sa bawat tao kahit hindi ito ipinagkakaloob ng estado o ng gobyerno. Pantay-pantay ang pagtingin ng estado sa bawat mamamayan at lahat ay nabibigyan ng mga pangunahing pangangailangan.
Gayundin ang mga karapatang dapat matamasa at dapat ipagkalaoob sa bawat isa. Heto ang mga halimbawa ng Karapatan:
- Maisilang at mabigya ng pangalan
- Manirahan sa isang tahanan at makapiling ang pamilya
- Maging parte ng isang komunidad na payapa at tahimik
- Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan
- Mabigyan ng magandang edukasyon
- Mapaunlad ang kakayahan
- Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang
- Mabigyan ng proteksyon laban sa abuso, panganib at karahasan
- Maipagtanggol at matulungan ng gobyerno
- Makapagpahayag ng sariling saloobin at pananaw
Dahil lahat tayo ang mayroong karapatan, may mga tao ring lumalabag dito. Heto ang mga paraan kung paano nila ito ginagawa:
- Kung mayroong diskriminasyon sa iyong estado, pagkatao, o paniniwala.
- Kapag hindi naibibigay at naipagkakaloob ang mga karapat-dapat na benepisyo para sa mga mamamayan.
- Ang hindi pantay at patas na pagtingin sa tao, dahil minsan may mas napapaboran depende sa antas ng buhay.
- Kapag hindi natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
- Kapag hindi pantay ang pagtrato sa bawat mamamayan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Isinisimbolo Ng Buwaya – Ano Ang Sumisimbolo Sa Buwaya?