Heto Ang Mga Hakbang Para Sa Mabuting Komunikasyon
MABUTING KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga hakbang para magkaroon ng mabuting komunikasyon sa iyong kapwa.
Ang komunikasyon ay mahalaga para sa isang komunidad. Ito ang ating pangunahing instrumento para maglipat ng impormasyon sa isa’t-isa. Ang komikasyon rin ay isang paraan ng pagtanggap at pag-intindi ng mga mensahe na posibleng maging berbal o di-berbal.
Para magkaroon ng mabuting komunikasyon, heto ang mga dapat nating tandaan:
Pagtatatag ng pagtitiwala – Kadalasan, marami sa atin ang walang tiwala sa ibang tao dahil hindi natin alam kung ano ang iniisip nila. Kaya naman, ang mas maagang pagtatag ng pagtitiwala ay nag bibigay daan sa mas mabuting komunikasyon.
Magsalit ng klaro at “concise” – Para sa mas mabuting komunikasyon, mas mainam na gamitin na mag salita tayo na walang paligoy-ligoy at direkta na lamang.
Alamin kung paano magbasa ng tono at lengwahe ng katawan – Hindi lamang berbal ang komunikasyon, mayroon din tayong di-berbal na komunikasyon na dapat nating bigyang pansin. Mas madali nating malaman ang tunay na nararamdaman ng isang tao base sa kanilang pag-galaw kesa sa kanilang sinasalita.
Huwag mag-padala sa akala – Marming beses nang nagkamali o nagkaroon ng “miscommunication” dahil sa mga “maling akala”. Kaya naman, dapat nating siguraduhin na tama ang ating pag-intindi ng sinasabi ng ating mga kausap at na intindihan din nila ang ating sinasalita.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Awiting Bayan At Bulong – Halimbawa At Kahulugan