Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Pagkakaiba Ng Awiting Bayan At Bulong? (Sagot)

AWITING BAYAN AT BULONG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng awiting bayan at ang bulong.

Ang dalawang ito ay parte ng ating kultura at tradisyon. Kaya naman, matatawag sila na mga karunungang bayan. Pero, kahit may mga pagkakaparehas sila sa ganitong konteksto, marami pa rin itong pagkakaiba sa isa’t-isa.

Pagkakaiba Ng Awiting Bayan At Bulong – Halimbawa At Kahulugan

Ang isang awiting bayan ay isang tradisyunal na awitin o kanta. Dahil mayroong iba’t-ibang isla sa Pilipinas, iba-iba rin ang mga kantang ito depende sa kultura at dayalekto ng isang partikular na lugar.

Halimbawa nito ay ang Oalay Manoc con Taraz na awiting-bayan sa Pangasinan. Samantala, ang bulong naman ay karaniwang binibigkas at hindi kinakanta.

Ito’y pabulong o sinasabi at kabilang sa mga halimbawa ng matandang orasyon ng mga sinaunang Pilipino. Ito rin ay sinasabing kauna-unahang tula sa ating bansa. Ang halimwaba nito ay : Tabi po Tabi po, makikiraan po.

Sa Ingles, ang salitang ito at tinatawag na murmur. Subalit, mas malaki ang parte nito sa kasaysayan ng Pilipinas dahil naging parte ito ng mga orasyon ng mga Pilipino noon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Pagkamakatao – Kahulugan At Iba Pa

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Pagkakaiba Ng Awiting Bayan At Bulong – Halimbawa At Kahulugan". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.