Ano Ang Mga Mahalagang Sangkap Sa Isang Nobela? (Sagot)
NOBELA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang mga halimbawa ng mahalagang sangkap sa isang nobela at ang kahulugan ng mga ito.
Ang isang nobela ay mahabang likhang pampanitikan. Ito ay nagbibigay ng buhay sa iba’t-ibang mga pangyayaring naka kabit sa isang magaling na pagbalangkas sa pangunahing layunin. Ito’y naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng bida at katunggali nito.
Bukod dito, ang mga pangyayari o pagkasunod sunod nito ay mahalaga para sa kabuuan ng nobela.
Ang mga mahahalagang sangkap ng isang nobela ay ang sumusunod:
- Tauhan
- Layunin
- Balak
Ang mga tauhan ang isa sa mga mahahalagang sangkap nito dahil sila ang nagbibigay buhay sa kwentong gustong ipahiwatig ng isang nobela. Dito natin malalaman kung ano ang mga katangian ng mga bida at ang mga katunggali nito.
Samantala, hindi natin lubusang ma-iintindihan ang mga tauhan natin kung hindi natin alam ang konteksto ng kanilang sitwasyon. Dito pumapasok ang layunin ng nobela. Ito ang nag sisilbing instrumento ng pagkakatulak ng kwento pasulong.
Pang huli, ang balak ng kwento ay ang nagbibigay sa atin ng ideya sa kung ano nga ba talaga ang pakay ng isang kwento. Ano ang maaaring maging katapusan nito, at bakit nangyayari ang mga kaganapan sa isang nobela.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Pragmatikong Pahayag? – Kahulugan At Halimbawa Nito