Ano Ang Mga Tungkulin Natin Bilang Kapatid At Mga Halimbawa Nito
TUNGKULIN BILANG KAPATID – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng tungkuling ng isang tao bilang kapatid.
Bilang isang kapatid, ikaw ay mayroong tungkulin hindi lamang sa iyong sarili, kundi pati sa iyong pamilya, lalo na sa iyong kapatid. Heto ang mga halimbawa ng mga tungkulin na maaari mong gamapanan:
- Bilang kapatid, isa sa mga responsibilidad mo ang alagaan ang iyong nakababatang kapatid, lalo na kung ang inyong mga magulang ay malayo at hindi na maka trabaho.
- Responsibilidad mo ring gabayan ang iyong kapatid sa kanyang pag-aaral, at turuan ng mga tamang asal.
- Tungkulin mong alagaan ang iyong kapatid kung ito ay may karamdaman o sakit. Bilang kapatid tungkulin mong pangalagaan ang kanyang kalusugan. lalo na kung wala ang inyong mga magulang.
- Kung may problemang emosyonal ang iyong kapatid dapat mong pakinggan at bigyang pansin ang mga problema nito at gabayan sa kanyang mga problema. Magagawa mo ito sa pagbibigay ng mga payo at kung ano ang mga dapat niyang tamang gawin.
- Kung may problemang pang pinansyal ang iyong kapatid, hindi mo tungkulin na bigyan ito ng salapi. Pero, hindi rin tama na pabayaan mo na lamang ito. Mahalaga ang pamilya pero kapag pa ulit-ulit na ito, responsibilidad mo nang tanungin kung may problema ito at kung meron, tulungan na maka-ahon, hindi na bibigyan lamang ng pera.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Promotion Letter Sample (Promotion Letter To Employee)