Ano Ang Halimbawa Ng Kahalagahan Ng Pagbasa? (Sagot)
KAHALAGAHAN NG PAGBASA – Sa paksang ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga ang pagbasa at ang mga halimbawa nito.
Ang pagbabasa ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat nating matutunan dahil ito ang isa sa pinaka-epektibong paraan ng pagkuha ng impormasyon. Ayon sa sikat na manunulat na si Goodman, “ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa“.
Bukod dito, ang pagbabasa ay maihahalintulad natin sa pagbibigay ng pagkain sa ating utak. Ito rin ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon sa tekstong binasa.
Dahil dito, nakabubuo tayo ng ating sariling opinyon o kaisipan tungkol sa mga mahahalagang paksa o isyu sa ating lipunan. Isang halimbawa nito ay sa panahon ng ating mga bayani katulad ni Andres Bonifacio at Jose Rizal.
Kung hindi marunong magbasa si Andres Bonifacio, hindi siya makakakuha ng inspirasyong ipaglaban ang ating bansa laban sa mga Kastila. Nagsimula ang apoy ng kanyang nasyonalismo matapos ito magbasa ng mga aklat at nobela tungkol sa Rebolusyon.
Isa sa mga unang binasa nito ay ang Les Miserables na isinalaysay ang pakipaglaban ng mga taga Pransya ang kanilang kalayaan. Kasunod nito, matapos basahin ni Bonifacio ang mga sulat ni Dr. Jose Rizal, na bigyan siya ng inspirasyon na ipaglaban ang kalayaan ng mga Pilipino.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Matanglawin At Iba Pang Kaalaman Tungkol Dito