Pagkakaiba Ng Saknong At Taludtod – Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Pagkakaiba Ng Saknong At Taludtod? (Sagot)

SAKNONG AT TALUDTOD – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba ng saknong at taludtod at mga halimbawa nito.

Parehong parte ng isang tula ang mga saknong at taludtod. Subalit, ang dalawang elemento ng tula na ito ay magkaiba. Ating tandaan na ang saknong ay ang parte ng tula na naglalarawan sa grupo ng dalawa o higit pang linya o “taludtod”.

Pagkakaiba Ng Saknong At Taludtod – Halimbawa At Kahulugan

Samantala, ang taludtod naman ay tumutukoy sa linya ng mga salita sa mga tula. Heto ang mga halimbawa ng pagkakaiba ng saknong sa taludtod.

Halimbawa ng Saknong:

Si Peter ay masayahin
Siya ay mahilig tumawa
Hindi siya nandaraya
Hindi rin ngumangawa

Halimbawa Ng Taludtod:

Hindi rin ngumangawa

Atin lamang tandaan na ang isang saknong ay binubuo ng mga taludtod. Samantala, ang mga taludtod ay binubuo ng mga magkakasunod na salita. Heto pa ang ibang halimbawa:

Ako’y isang Pinoy,
Pagmamahal ko sa bayan ay umaapoy,
Lupang sinilangan ko,
Minamahal ko ito ng buong puso.

Ang maikling tula sa itaas ay isang halimbawa ng Saknong. Sa saknong na ito, tayo’y mayroong 4 na taludtod.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Gregoria De Jesus | About The ‘Lakambini Ng Himagsikan’

Leave a Comment