Ano Ang Pagkakaiba Ng Wika At Diyalekto?
WIKA AT DIYALEKTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng wika at diyalekto at ang halimbawa nito.
Maari nating tignan ang mga Diyalekto bilang mga barayti ng Wika. Sa Pilipinas, maraming wika ang makikita dahil sa pagiging arkipelago nito. Dahil sa pagka watak-watak ng mga isla, iba’t-iba ang wika at kultura ng mga naninirahan sa bansa.
Ayon sa mga tagasalaysay, mayroong mahigit sa 180 bilang ng wika sa kabuuan ng Pilipinas. Pero, dapat nating tandaan na ang diyalekto ay sanga lamang ng wika.
Bukod dito, masasabi natin na ang wika ang pinanggalingan ng diyalekto dahil ang wika ay ang isinaayos na mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng mga tao sa isang lugar na binibigyan ng kahulugan. Samantala, ang diyalekto ay ang iba’t-ibang gamit at pagsasaayos ng mga tunog na ito.
Halimbawa, ang wikang Cebuano ay may isa sa pinakamaraming tagasalita. Ngunit, may iba’t-ibang mga dialekto na nakapaloob dito depende kung saan ka sa Visayas. Iba ang dialekto ng Cebuano sa Cebu, mga lugar sa Negros, Bohol, at Mindanao.
Subalit malapit at medyo kapareho, may mga salita na iba ang kahulugan depende sa kung saang lugar ka. Pero, ating tandaan na kung ano man ang wika na ating sinasalita, dapat bigyan natin ito ng halaga dahil ito’y malaking parte ng ating kultura.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Kahalagahan Ng Talumpati – Halimbawa At Paliwanag