Kabanata 54 Noli Me Tangere – “Ang Pagbubunyag” (BUOD)

Kabanata 54 Noli Me Tangere – “Ang Pagbubunyag” (BUOD)

KABANATA 54 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 54 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 54 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t apat na kabanata.

Ang Kabanata 54 ay may titulo na “Ang Pagbubunyag” na sa bersyong Ingles ay “Revelations”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang kura ay pumanta sa bahay ng alperes para ibalita rito ang pinaplanong pag-aaklas at paglusob sa kuwartel. Nalaman daw ito ng kura dahil sa isang babaeng nagkumpisal.

Pinaghandaan ng kura at ng alperes ang pag-aaklas na sinasabi. Nagtalaga sila ng mga guwardiya sibil sa kumbento habang lihim na nakamasid ang mga sibil sa kwartel.

Dali-dali ring nagpunta sa bahay ni Ibarra si Elias. Natagpuan niya ito sa laboratoryo. Sinabi ng piloto ang planong pag-aaklasna tiyak na si Ibarra ang ituturong nagbayad sa kilusan ng paglusob.

Susunugin nila ang mga aklat at kasulatan ng Binata dahill dito sapagkat maaari itong magamit na ebidensya laban sa kaniya.

Nakita ni Elias ang isang kasulatan tungkol kay Don Pedro Eibarramendia. Itinanong ni Elias kung kaano-ano ito ni Ibarra. Sumagot siya na nuno raw niya ito.

Nanginig nang saglit ang piloto dahil ang Don na iyan ang nagpahirap sa sa kaniyang nuno. Nais na sanang gamitin ni Elias ang balaraw kay Ibarra. Ngunit natauhan ito at umalis na lamang.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 53 – Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga
Kabanata 55 – Ang Pagkakagulo

Leave a Comment