Kabanata 43 Noli Me Tangere – “Mga Balak O Panukala” (BUOD)
KABANATA 43 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 43 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t tatlong kabanata.
Ang Kabanata 43 ay may titulo na “Mga Balak O Panukala” na sa bersyong Ingles ay “Plans”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Ang dating tahanan ni Kapitan Tiago na masaya at maingay ay napalitan ng lungkot at katahimikan. Nakapinidn ang mga bintana para harangan ang hangin na makapasok sa silid ng maysakit na si Maria Clara.
Tahimik na nag-uusapn ukol sa mga santo’t santa ang mag-pinsan na Tiago at Isabel nang biglang dumating ang mga hinihintay na panauhin na walang iba kundi ang mga Espadañas at ang binatang si Linares.
Kilala si Don Tiburcio bilang isang doktor na espesyalista sa lahat ng uri ng karamdaman pero is lamang siyang huwad na manggagamot. Sa katunayan ay minsan na siyang nakulong dahil sa kanyang kasinungalingan.
Sa kabila nito ay napakalaki pa rin ang tiwala ni Tiago sa dokto dahil sa mga mapaglinlang na pananalita ng asawa na si Donya Victorina.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 42 – Mag-Asawang De Espadaña
Kabanata 44 – Pagsusuri sa Budhi