Mga Halimbawa Ng Tula Para Sa Buwan Ng Wika
BUWAN NG WIKA -Sa paksang ito, tatalakayin natin ang iba’t-ibang halimbawa ng mga tula para sa buwan ng wika.
Ang wikang Pilipino ay dapat ipagmalaki at pagyamanin sa pamamagitan ng mga selebrayson katulad ng Buwan ng Wika. Ito ay isang importanteng aspeto ng ating pagiging Pilipino.
Halimbawa:
Wikang Pambansa, Wikang Panlahat |
Sulat ni Gerlie L. Palmenco
Luzon, Visayas, pati na sa Mindanao
Tuwing Agosto’y sabay-sabay humihiyaw
Grupong etniko sa ‘Pinas nagkakaisa
Pinagyayaman pang lalo ang wika nila.
Ilokano, Bisaya, maging ang Tausug
Sa wikang-ginto, Pilipinas ay busog.
Chavacano, Cebuano, Ilonggo’t marami pa
Pagsaluha’t mahalin, bigay ng Dakilang Lumikha.
Iba’t ibang salita man ang banggit
Sa puso’t kaluluwa’y iisa lang ang gamit
Buong pagmamahal itong ipagpunyagi
Kayamanan ng buhay, dugo, at lahi.
Mayamang kultura, kanyang sinasalamin
Makulay na tradisyon, ipinamamahagi din
Wikang Pambansa ay Wikang Panlahat
Gamitin ng tama’t paglingkurang tapat.
Sagisag ng kalayaan, sandigan ng katapatan
Wikang Pilipinong noo’y ating ipinaglabanNawa’y ingatan at laging alagaanLubos na mahalin, kailanma’y huwag pabayaan.
KARUNUNGA’Y IPAALAM
Sulat ni Deodan Benedicto
Sariling karununga’y alamin,
Sa wasto ay gamitin,
Para muling buksan at ilawan,
Ang kinulong sa kadiliman,
Sigaw ng pilipino’y wika ng karunungan,
Atin ng umpisahang pahalagahan,
Sapagkat may sapat ng kaalaman,
Na kailanman’y hindi mapapalitan,
Wika ng isang bansa’y walang kapantay,
Dahil karununga’y dito nakaugnay,
Kaya’t gamitin sa tama at pantay,
Para bansa’y muling bumangon sa pagkamatay,
Wikang Filipino na siyang bigkas,
Para sa lahat ng oras,
Sapagkat ito ang ating landas,
Na magpapatuloy ng bukas,
Ating tangkilikin wikang Filipino,
Bagkus, ito’y pamana ng ating mga ninuno,
Kaya mahalin natin ng buong puso,
At ipagmalaki na tayo’y katutubong Pilipino.
Basahin rin: Kabanata 10 Noli Me Tangere – “Ang Bayan Ng San Diego” (BUOD)