Ano Ang Liham Na Pasasalamat? (Sagot)
LIHAM PASASALAMAT – Ito ay isang natatanging uri ng liham tungkol sa pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang gawa ng isang tao.
Inihahayag dito ang mensahe ng maaaring dahilan ng pagpapasalamat. Ito ay hindi ka tulad ng liham pang negosyo na pormal, kaya pwede itong maging personal at malikhain.
Heto ang isang halimbawa
#48 Malobos St. Lehena Subd.
Binay City, Negros Oriental
Mahal Kong Ama,
Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawang sakripisyo para sa akin at sa mga kapatid ko. Ikaw ay naging tunay na gabay sa buhay namin. Ang iyong mga payo ay dadalhin ko lagi habang buhay.
Nagagalak kami na kayo ang aming naging magulang at naging napakabuti niyo sa amin. Naipagmamalaki namin kayo sa mga taong nakakasalamuha namin. At kami ay masaya din na maituro ang mga turong naipamana niyo sa aming magiging pamilya.
Dahil sa inyo, nabuo ang aking pagkatao, naging matatag, at naging marespeto. Salamat sa lahat, mahal kong ama.
Nagmamahal,
Raphael
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Mga Tula – Halimbawa Ng Orihinal Na Mga Tula (2020)