Kabanata 6 Noli Me Tangere – “Si Kapitan Tiago” (BUOD)
KABANATA 6 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 6 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ika-anim na kabanata.
Ang Kabanata 6 ay may titulo na “Si Kapitan Tiago” na sa bersyong Ingles ay “ Kapitan Tiago”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Si Kapitan Tiago ay ang nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa lohika sa tuling ng isang kaibigang Dominikano na kanyang pinaglingkuran.
Ang kaanyuan niya’y isang tipikal na Pilipino. Ang hugis ng kanyang katawan at maging ang buong pisikal nitong katangian ay hindi maikakaila na siya ay isang Indio.
Isang dalaga mula sa Sta. Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiago na ang pangalan ay si Donya Pia. Pareho silang masipag sa pag-nenegosyo kaya sila ay yumaman at naging kabilang sa mga prominenteng pamilya sa bayan.
Sa doon ay nakagawian ng kapitan ang kumilos, manamit at mamuhay na para na ring isang Espanyol. Isa rin siyang debotong Katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging sunud-sunuran rin siya sa mga gawain at kagustuhan ng mga banyaga.
Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia ay nabibiyaan ng isang sanggol na babae na si Maria Clara. Nasawi ang kanyang asawa mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel na kanyang pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria Clara.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 5 – Pangarap Sa Gabing Madilim
Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea