Ano Ang Tugmang De Gulong? (Sagot)
TUGMANG DE GULONG – Ito ay ang mga paalala na puwedeng makikita sa mga pampublikong sasakyan tulang lamang ng dyip, bus, at trisikel.
Ang mga ito ay karaniwang gumagamit ng kumedya upang ipahiwatig ang kanilang mga mensahe. Kadalasan ay gumagamit ito ng tugmang nakabatay sa kasabihan o salawikain na kilalang-kilala ng mga Pilipino.
Mga halimbawa:
- Ang di magbayad sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.
- Ms. na sexy, kung gusto mo’y libre, sa drayber ka tumabi.
- Ang ‘di magbayad walang problema, sa karma palang bayad kana
- Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambiting ang “para” sa tabi tayo hihinto.
- Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto
- God knows Hudas not pay
Maraming mga halimbawa ng Tugmang De Gulong na makikita sa pang araw-araw nating buhay. Kahit na ito ay kadalasang nakakatawa, yung iba naman ay nagpapakita ng tunay na katotohanan sa ibat-ibang aspeto ng buhay natin.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: HALIMBAWA NG PALAISIPAN – Mga Halimbawa Ng Mga Bugtong Ito