BANSA NG TIMOG EUROPA – Mga Bansa Sa Timog Europa

BANSA NG TIMOG EUROPA – Mga Bansa Sa Timog Europa

BANSA NG TIMOG EUROPA – Sa paksang ito, alamin natin ang iba’t ibang mga bansa ng Timog Europa at ang paglalarawan ng bawat isa.

BANSA NG TIMOG EUROPA

Ang kontinenteng Europa ay ang kontinente na may napakaraming naganap na kasaysayan. Ito ay maraming rehiyon na ang isa sa mga ito ay ang Timog Europa.

Dito sa paksang ito, ating matutuklasan ngayon ang mga bansa na nasa Timog Europa.

  • Albania (Kabesera: Tirana)
    • Ang Republika ng Albania ay isang bansa na nasa mga Dagat na Adriatic at Ionian
  • Andorra (Kabesera: Andorra la Vella)
    • Ang Republika ng mga Lambak ng Andorra ay isang soberanyong estado na napalibutan ng lupa na nasa Tangway ng Iberia.
  • Bosnia and Herzegovina (Kabesera: Saravejo)
    • Ang Bosnia-Herzegovania o Bosnia ay isang bansa na nasa Tangway ng Balkan.
  • Croatia (Kabesera: Zagreb)
    • Ang Republika ng Croatia ay isang bansa na nasa pagitan ng Gitnang at Timog Europa na nasa dagat Adriatic.
  • Cyprus (Kabesera: Nicosia)
    • Ang Republika ng Cyprus ay isang pulong bansa na nasa kanlurang bahagi ng Dagat Mediteranyo.
  • Gibraltar
    • Ang Gibraltar o ang Bundok ng Tariq ay isang teritorio na pinag-aari ng Gran Britanya na nasa timugang dulo ng Tangway ng Iberia
  • Greece (Kabesera: Athens)
    • Ang Republika Hellenic o Hellas ay isang bansa na nasa Tangway ng Balkan at nasa pagitan ng Europa, Asya, at Aprika. Ito ay tahanan ng Kabeserang Gresya
  • Italy (Kabesera: Rome)
    • Ito ay bansang may tangway na napalibutan ng Alps at pinalibutan ng maraming mga pulo.
  • Kosovo (Kabesera: Pristina)
    • Ang Republika ng Kosovo ay isang estado na kung saan ang pag-aari ng teritoryo nito ay idinedebate hanggang ngayon.
  • Malta (Kabesera: Valletta)
    • Ang Republika ng Malta ay isang kapuluang bansa na nasa Dagat Mediteranyo
  • Montenegro (Kabesera: Podgorica)
    • Ang Montenegor o ang Crna Gora ay isang bansang nasa dagat Adriatic at napalibutan ng Bosnia-Herzegovania, Sebia, Kosovo, Albania at Croatia.
  • North Macedonia (Kabesera: Skopje)
    • Ang Republika ng Hilagang Macedonia ay isang bansa na nasa Tangway ng Balkan at isa sa mga estadong kahalili ng Yugoslavia.
  • Northern Cyprus (Kabesera: North Nicosia)
    • Ang Republika Turko ng Hilagang Cyprus ay isang de facto estado ng mga Turko na nasa hilagang bahagi ng Cyprus.
  • Portugal (Kabesera: Lisbon)
    • Ang Republika Portugese ay ang kanluraning estadong soberanya ng Europa na nasa Tangway ng Iberia.
  • San Marino
    • Ang Republika ng San Marino o ang Pinakasoberanyang Republika ng San Marino ay isang teritoryong estado na nasa hilagang-silanan ng mga kabundukan ng Apennine.
  • Serbia (Kabesera: Belgrade)
    • Ang Republika ng Serbia ay isang bansa na nasa pagitan ng Gitnang at Timog-Silangang Europe na nasa timugang bahagi ng bukid ng Pannonia at gitnang Balkan.
  • Slovenia (Kabesera: Ljubljana)
    • Ang Republika Slovenia ay isng bansa na nasa pagitan ng mga rutang kultural at pangkalakalan ng Europa.
  • Spain (Kabesera: Madrid)
    • Ang Kaharian ng Espanya ay isang bansa na nasa Tangway ng Iberia at napalibutan ng Kipot ng Gibraltar at ang Karagatang Atliantiko.
  • Turkey (Kabesera: Ankara)
    • Ang Republika ng Turkey ay isang bansa na nasa Tangway ng Anatolia.

BASAHIN DIN: BANSA NG GITNANG ASYA – Mga Bansa Sa Gitnang Asya

Leave a Comment