Sagot Sa Tanong Na “Sino Ang Namumunong Pangulo Ng South Korea Ngayon?”
PANGULO NG SOUTH KOREA – Sa paksang ito, ating alamin ang sagot sa tanong na sino ang namumuno na pangulo ng South Korea ngayon.
South Korea
Kilala rin sa opisyal na pangalan na Ang Republika ng Korea o sa local niyang pangalan na Daehan Minguk (대한민국), ito ay ang bansa na nasa Silangang Asya at ang nagbubuo ng timugang bahagi ng Tangway ng Korea.
Ang pangalang Korea ay hango sa pangalang Goguryeo o Goryeo na isa sa mga pinakamalaking kaharian sa Asya. Ang kanilang pamahalaan ay isang unitayang presidensyal at konstitusyonal na republika.
Ang bansa ay may populasyon na higit sa 51 milyong katao (2019) at may kalawakan ng higit sa 100 libong square kilometro o 38.7 libong square milya.
Karamihan sa mga tao ay walang relihiyon (56.9%), samantalang ang 27.6% sa kanila ay Kristiyano at ang 15.5% ay Budismong Koreano.
Sagot
Ang namumuno na pangulo ngayon as si Moon Jae-In (문재인). Siya ay inihalal noong 2017 matapos ipinalis ang dating presidenteng si Park Geun-Hye (박근혜).
Si Moon ay isang dating estudyanteng aktivista, abogado ng karapatan ng tao, at ang punong kawani ni dating presidenteng Roh Moo-Hyun (노무현).
Siya ay isa sa mga tatlong presidente na nakapagkita sa kanyang katapat sa hilagang Korea na si Kim Jong-un (김정은).
BASAHIN DIN – Sino Ang Nagpangalan Sa Bansang Pilipinas? (Sagot)