Sino Ang Nagpangalan Sa Bansang Pilipinas? (Sagot)

Sagot Sa Tanong Sino Ang Nagpangalan Sa Bansang Pilipinas?

NAGPANGALAN SA BANSANG PILIPINAS – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin kung sino ang nagpangalan sa bansang Pilipinas.

NAGPANGALAN SA BANSANG PILIPINAS
Image from: Smoke Tree Manor

Ang Pilipinas ay isang arkipelago na nasa Timog-Silangang Asya. Ito rin ay nakalagay sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko, ang pinakamalaking karagatan sa buong mundo.

Ang arkipelago na ito ay binubuo ng higit pa sa pitong libong mga pulo at binabahagi sa tatlong malalaking pangkat: Luzon Visayas at Mindanao at ang kabesera nito ay ang lungsod ng Maynila.

Ngunit saan ba nanggaling ang pangalan nito at sino ba ang nagbigay nito?

Sagot

Ang nagpangalan sa arkipelago na Pilipinas ay walang iba kundi si Ruy López de Villalobos, isang manlalakbay na Kastila. Siya ay lumakbay sa Pasipiko at Mehiko.

NAGPANGALAN SA BANSANG PILIPINAS
Image from: Smoke Tree Manor

Lumakbay siya kasama ang anim na galyon: Santiago, San Jorge, San Antonio, San Cristóbal San Martín,at San Juan.

Tinawag niya ang bansang Pilipinas noong una na Las Islas Filipinas.

Ang dahilan kung bakit niya ipinangalan ito upang bigyang parangal kay Felipe ng Austrya, Prinsipe ng Asturyas, na nagiging Haring Felipe II ng Espanya.

Una siyang nakalakbay sa islang Mazaua, na ngayon ay tinatawag na Limasawa na nasa timugang isla ng Leyte. Sa Pebrero 1543, nakaabot sila sa Look ng Baganga na tinawag nilang Malaga na nasa Mindanao.

Tinawag niyang Caesarea Karoli noon ang Mindanao sa karangalan ni Carlo V ng Espanya, Emperador ng Holy Roman.

BASAHIN DIN – KAHULUGAN NG ANTROPOLOHIYA – Depinisyon At Iba Pang Alamin Dito

Leave a Comment